Chapter 24: Date

21 1 0
                                    

DRAKE'S POV

I peacefully sat on the couch and turn on the tv. Then, I was about to sip my chicken soup putted at the table.....

"SH*T!"

I gritted my teeth as I realize na mayroong suklay sa bowl ng soup. Naihilamos ko tuloy ang mga palad sa mukha ko.

"My gosh! S-sorry." Dali-dali siyang bumaba sa hagdanan ng guest room papunta dito sa puwesto ko pero di pa man siya nakalapit ng husto ay huminto na siya.

"Ikaw naman talaga sana 'yung babatuhin ko eh kaso di umabot haysssh." Kinamot niya yung magulo niyang buhok.

Hindi ko nalang siya pinansin sa halip ay nagtungo nalang sa kusina. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin.

-—-----------

CASSIE'S POV

Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko ngayon. Di ko naman talaga intensyon na i-shoot yung suklay sa bowl eh. Sadyang shooter lang siguro ako. Lels~~

Mula dito sa likuran niya ay pinagmasdan ko lang siya habang naghuhugas nung bowl.

Para naman akong napako sa kinatatayuan ko nang lumingon siya paharap, tapos na atang maghugas.

Walang sikdo niya akong tiningnan. "Don't do that again."

Di ko tuloy mapigilang lumunok feeling ko nga mauubusan nako ng laway.

"Or else I'll kiss you." Then he walked away.

Nanlaki ang mga mata ko, literally. Nabubuang na talaga siya hayssssh. Kailangan ko ng makaalis rito baka may kapahamakan pa kong sapitin dito sa condong ito.

Nilisan ko ang kusina at pumunta sa may sala. Di na'ko nagpatumpik-tumpik pa at dumiretso sa may pintuan. Nadismaya nalang ako ng malamang naka-lock ito. Huhuhu I cry na, wala ng pag-asa. Magmamakaawa nalang siguro ako sa Drakeculang iyon. Siguro naman marunong din yung maawa kahit papano.

"Hmm where are you going?"

"Syempre uuwi." Hindi ako lumingon. Nanatili lang akong nakaharap sa saradong pintuan at nagbabaka-sakaling may magic na mangyari nang mabuksan na ito psh.

"Uuwi kang ganyan ang itsura?" This time hinarap ko siya. Laking gulat ko na magkalapit na pala kami.

"Pake mo?!" Pinandilatan ko siya ng mata pagkatapos ay inirapan.

Pinagtawanan niya lang ako. In fairness tumawa yung unggoy. Psh. Tinutukan ko siya ng maangas na tingin. "Pahiram muna ng pera! Don't worry babayaran ko naman agad."

Napaatras ako dahil dahan-dahan naman siyang umaabante. Aish!

"Naghihirap ka na pala ngayon. Tsk tsk sad."

Napahinga ako ng malalim dahil tuluyan na akong napasandal sa saradong pintuan. Mas lalo ko pang nahigit ang hininga ko nang ilagay ni Drakecula ang dalawa niyang kamay sa magkabilang side ko. Aish!

Pakirap-kirap lang ang aking mata na nakatitig sa malapit niyang mukha. Nakakainis talaga dahil may pa-smirk smirk pa siya. EW!

"Bago ka umalis, may importante muna akong sasabihin sa'yo." Napakaseryoso ng mukha niya. Tinaas ko naman ang dalawa kong kilay, hudyat na sabihin na niya ang ibig niyang sabihin.

Mas lalo niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Psh may kamanyakan din pala 'tong taong 'to.

"Alisin mo muna 'yang muta sa mata mo. HAHAHAHAHA." At humagalpak siya ng tawa sabay lakad papalayo.

Para akong estatwang hilaw sa kinatatayuan ko ngayon. Ramdam ko ang panginginit ng mukha ko sa hiya. Arrghh!!!

Kinapa ko naman ang dalawa kong mata at 'yun nga inalis 'yung muta psh. Kasi naman kanina 'pag gising ko agad akong lumabas sa kwarto. T.T Pahiya ka talaga Cassie eh! Ah basta! Kakalimutan ko talaga 'tong nangyari ngayon.

Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon