CASSIE'S POV
"Hoy! Justin."
Lumingon siya sa akin pero napalipat ang tingin ko sa kotseng kaaalis lang. Aba! Bastos 'yun ah. Aish bahala siya.
Binalik ko ang tuon kay Justin na ngayo'y pinupunasan ng panyo ang kamay niya. May bahid kasi ng dugo. Lakas naman kasi niyang manuntok plus ang titigas pa ng mga mukhang sinuntok niya.
"O-okay ka lang?"
"Yes."
"Are you sure? Eh may dugo yang kamay mo."
He smiled. "Cassie, dugo lang 'to. I'm fine."
Ang tapang naman niya. Nahiya naman daw ako.
"Tara na." Anyaya niya kasabay ng paghulog niya nung panyo.
"Huh? Pero pa'no sila?" Turo ko sa apat.
"Don't worry, I'll send them to the hospital later. So let's go." Tumalikod na siya papunta sa kotse niya. Naramdaman niya naman sigurong hindi ako sumunod kaya tumingin siya sa akin pabalik.
"Pa'no 'tong kotse?" Turo ko sa pamamagitan ng pagnguso.
"Ipapahatid ko nalang din 'yan sa inyo. Halika na."
Tumango ako. Pinagbuksan niya pa ako. Wow gentleman. Sumakay na ako pati siya dali-dali ding sumakay. Pinaandar na niya ang kotse. Nasa tahimik na pagbabyahe lang kami nang may maalala ako bigla.
"Wait!" Sa pagsigaw ko ay ipinarada niya ang kotse sa tabi. "Si manong Kolas 'yung driver ko. Baka ano na nangyari sa kanya."
Cool lang niya akong tiningnan. Di ba niya na-gets ang sinabi ko? Maya-maya lang ay dinukot niya ang phone sa bulsa niya at may tinawagan.
Binaba na niya ang tawag at ibinalik sa bulsa ang phone niya. "Okay na. Nagpatawag na'ko ng aasikaso sa kanya *smile*" Tumuloy na siya sa pagmamaneho.
Sana maging okay lang si manong siya pa naman favorite driver ko. Charooot ang bias ko talaga.
Kakarating lang namin ng school. Ipinark muna ni Justin ang kotse niya. Bumaba na siya at dahil nga sa gentleman siya ay pinagbuksan na naman niya ako ulit. Syempre dahil may GMRC din ako nagpasalamat ako.
So baby pull me closer~~
In the backseat of your rover~~
Phone pala ni Justin. Charoot ang ringtone Closer by The Chainsmokers ft. Halsey. Nakaka-GV din ang song na 'yan. Sinagot niya ang tawag.
Maya-maya lang ay natapos na 'yung tawag. Hinawakan ako ni Justin sa magkaliwang balikat ko at medyo ibinaba ang mukha niya para lumevel sa akin. Binigyan ko naman siya ng nagtatakang tingin.
Tumikhim muna siya. "Kaya mo bang tumakbo?" Napa-huh ako pero kalaunan ay tumango-tango.
"Good." Binuklad niya ang kanyang palad. Di ko talaga gets.
"Teka, ipaintindi mo nga muna sa'kin kung anong nangyayari o gagawin ba."
"*kamot sa ulo* Sa ngayon, sabay muna tayong tatakbo kasi kailangan na'ko ng team. Kaya makisabay ka nalang." Huh? Anong team? Player din siya? Di ko alam kasi di ko rin naitanong noon.
Mas lalo akong nalito. Pero wala na akong nagawa kasi nahila na niya ako kaya tumakbo na din ako. Buti nalang talaga at naka-doll shoes lang ako.
Mabilis kaming nakarating dito sa covered court ng nakahawak ang mga kamay. Ah so isa nga siyang basketball player, now I know. Grabe tuloy makatingin 'yung ibang nakakakita sa amin. Echos ng mga 'to batuhin ko sila ng pakwan eh.
BINABASA MO ANG
Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch
Teen FictionDalawang taong hindi magkasundo ano kaya ang kahahantungan ng kanilang alitan? Isang bitch na si Kaye Cassandra Martel at isang bad boy na nagngangalang Ethan Drake Lee.