Chapter 7: Stupid

79 3 0
                                    



CASSIE'S POV

"Okay, dismiss."

Haysssh! Salamat at natapos din ang klase. Makakahinga na din ako ng maayos. HAHAHAHA. Di naman sa super tamad talaga ako mag-aral pero kasi nga may mga time na naboboringan ako sa klase. LOL! Syempre gusto ko din naman makatapos noh. Okay enough for that.

Abala ako ngayon sa pag-aayos ng gamit ko. Psh. Makauwi na nga lang. Ite-text ko nalang si Sam na sabay na kami. Alas singko na kasi ng hapon. Okay tapos na! Tumayo na ako sa kinauupuan ko. Diretso lang akong naglalakad patungong pintuan.

Akma na sana akong lalabas nang may biglang humarang. Myghad! Ayan na naman ang nakakatakot niyang tingin. Huhuhu lagot ako nito kasi nga diba kahapon ininis ko siya about do'n sa palayaw-palayaw na 'yun. Pfffttt.. Gusto ko tuloy matawa kasi 'pag naiisip ko 'yun puma-flash talaga 'yung itsura niyang super epic. XD.

Mataman pa din niya akong tinitingnan. Halatang galit eh. Myghad! Big deal ba talaga para sa kanya 'yung sinabi ko kahapon? Eh pang-iinis lang naman 'yun eh kasi ang bastos niya. Bwisit!

Syempre, magpapatalo ba naman ako? The h*ll no! Akala niya huh? Sinamaan ko din siya ng tingin.

Grabe 'tong lalaking 'to di talaga papatalo. Daig pa bakla. Eeww siya!

"Tsupe nga!"

Di nako nakatiis at itinulak ko na siya. Sinasayang niya lang oras ko. Hmmm!

"Where do you think you're going?"

HALA! Nakakatakot 'yung tono ng pananalita niya. At lalo akong kinabahan kasi nakahawak lang naman siya sa braso ko. Huhuhu baka balian niya ko ng buto. Ang laki pa naman niya kumpara sa'kin.

Pero syrempre di ako nagpatinag para sa'n pa ang pagiging bitch ko. Psh.

Pinandilatan ko siya ng mata. Wala pa rin siyang reaksyon. Hayssh! Kainis. Tinapunan ko ulit siya ng 'BITAWAN MO BRASO KO' look.

Aba! Matigas ulo eh. Kaya pinuwersa kong kunin ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Pero mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak. AAHHH!! Napansin ko ring bawat dumadaan na mga estudyante eh napapatingin.

Ting! Bright idea.

"AAAAHHH!! HELPPPP ME FROM THIS RAPISTTT....AAHHH!"

HAHAHAHA. Sige lang Cassie. Ilabas mo pa ng todo ang pagiging best actress mo.

"Stop being childish, will you?" Suway niya.

Psh. Di ba effective 'yung drama-drama ko? Para sa kanya childish lang ang dating non? Arrgghh. Minamaliit niya lang talent ko at isa pa di ako childish. Aish!

Inirapan ko siya at tumahimik nalang. Pero ouch huh? Grabe ang sakit na ng braso ko. Psh. Mada-damage skin ko nito eh. Charooot.

Bigla siyang tumingin sa paligid. Ay! Ang dami na palang tao. Siguro nagandahan sila sa acting skills ko. Myghad! Nakaka-overwhelm naman. HAHAHAHA

Sinamaan lang sila ng tingin nitong si Drake-cula. At wow huh? Talagang nasindak at umalis na sila. Kung sa bagay nakakatakot nga naman mata niya kasi ang chararat ng eyes niya. HAHAHAHA chararat anong klaseng word ba 'tong pinagsasabi ko?

"You, we're not done yet." Aniya.

Pinagsasabi nito? Psh. Maya-maya lang ay bigla niya akong kinaladkad palabas ng building. Huhuhu oo kinaladkad talaga. Ang sakit. >_<

Di naman ako makawala eh ang lakas niya. Hayssh! Sa susunod talaga mag-aaral na 'kong mag karate. Kakaratehin ko mukha nito eh.

"AARRGHH. Bitaw nga nasasaktan ako eh!" Sigaw ko. Di pa din niya ko nililingon.

Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon