Chapter 9: Partnership Rejection

64 1 0
                                    



CASSIE'S POV

"Alam mo kanina ko pa talaga napapansin 'yang malalim mong iniisip eh."

"..."

"Huy! Grabe KC bingi-bingihan?"

"Sshh 'wag ka nga muna masyadong maingay diyan Sam."

"Hala! Hala! May iniisip nga. Ang tanong ANO o SINO?

Pinaningkitan ko lang siya ng mata. Pinaikot niya lang din 'yung kanya.

"Wag mong sabihing luma-lovelife ka na KC? Tsk kala ko ba sabay tayo tas ikaw---"

"Paki-zipper nga muna 'yang bibig mo Sam. Aish!" 

"Oo na po! Hmm makapaglaro na nga lang. Ang sungit mo. Meron ka ba?"

I just gave her my death glare. Tumahimik na rin siya at tinutok ang tingin sa phone niya.

Kanina pa kami nakaupo dito sa may bench. Break pa kasi.

Honestly, wala akong iniisip. May something lang kasing nahagilap 'tong mata ko eh. Nanatili pa rin akong nakamasid sa kanya.

Nasa field sila naglalaro. So baseball player pala siya. Aaaah kaya din pala 'yung binato niya sa'kin kahapon eh pang baseball na bola.

Maya-maya lang ay mukhang natapos na 'yung game nila. Mukhang team nga din nila ang nanalo. Duh! Chamba lang siguro.

Kaya din siguro wala siya kanina sa klase kasi may game sila or mukhang paractice lang ata. HEHEHE di ako sure. Exempted naman 'pag ganyang mga laro-laro/athlete chuchu ever.

"Aha! Pinapanood mo pala siya kanina pa? Tsk tsk kaw KC huh?"

"Seriously? Sam are you paranoid ba? Natural pinanood ko kasi may mata ako. Psh." I irritatingly said then pout.

"Okay, defensive."

"Aduh! Whatever. Isipin mo na ang gusto mong isipin basta ako papasok na'ko kasi may klase pa'ko. Hayssh!" Mataray kong sabi at agad na lumisan.

Diretso lang akong naglakad. Di ko rin alam saan ako pupunta. Bahala na muna. Eh wala pa naman talaga akong klase eh. Mamaya pang 10:30. Saka teka anong oras pa nga ba ngayon...hmm sinilip ko ang silver wrist watch ko at 9:31AM pa lang.

Si Sam kasi eh ang kulit. Nabwisit tuloy ako kaya iniwan ko na lang siya do'n ng basta-basta. Kakausapin ko na lang 'yun mamaya kapag nasa mood na'ko.

Sa kakalakad ko ay dito ako napadpad sa, okay CR. Ge na nga I need to pee din naman eh.

Kakapasok ko pa lang sa loob at nadadtnan ko ang apat na babaeng busy sa pagme-make-up. Taray! Mukhang aattend lang ng birthday party. Sila siguro 'yung kinuhang clown. Pffttt. 

Pumasok na'ko sa loob and did my thing na. .

"Uy girls! Nakita niyo ba 'yung naka number 17 na baseball player kanina?"-girl 1.

"Of course!Gosh!! Sa kanya nga lang ako nakatutok. Ang gwapoooo!"-girl 2.

"Ang galing niya nga ding maglaro eh. Huhuhu ano kaya name niya noh?"-girl 3.

"Oo nga! May girlfriend na kaya 'yun?"-girl 4.

Kumunot ang noo ko sa narinig kong pag-uusap nila. Seriously? 'Yung naka number 17 lang naman do'n eh si Drakecula. Psh.

Inayos ko na ang sarili ko at lumabas na. Ay! Andito pa din pala sila. Hayssh I washed my hands and wipe it with a clean tissue. I was about to go when I remember something.

Mr. Bad Boy Versus Ms. Bitch Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon