Ep.02- He has Arrived

19.6K 434 39
                                    

"Argh! Nakakainis talaga sya!" I almost punch the wall. "Pasalamat sya at nakontrol ko pa ang sarili ko kanina. Kung hindi, mapapatay ko na talaga sya!

"Pwede ba Cheska huminahon ka lang." Pilit akong pinapakalma ni Jed.

Pinapunta ko si Jed dito sa bahay para naman may mapaglabasan ako ng sama ng loob. Ilang oras na din ang nakakalipas nung mag appear at saktan ng baliw na lalaking yun ang mama ko.

"Buti nga pinakawalan ko pa sya eh!" I'm acting cold with my arms crossed. "Pinalampas ko lang ang ginawa nya ngayon! Pero sa susunod na makita ko pa sya, hindi ko na sya mapapatawad.

"Eh bakit kasi pinabayaan mo lang makaalis?" Mahinhin na tanong ni Jed. "Bakit hindi ka man lang nagreport sa police?

"Eh kasi! Er. . . Bakit ko nga ba?" I'm thinking of a valid reason. "Basta! Sa susunod talaga, hindi ko na sya papalampasin!

Jed sighed. "Ang sabihin mo, naawa ka lang.

"Like duh!" I stood to up. "Bakit naman ako maawa sa ganung klaseng tao?

"Eh kasi hindi ka padin nagbabago. Maawain ka padin talaga. Natural na sayo yan. Ikaw lang naman ang nagpupumilit maging masungit eh. Remember, nung nasa middle school palang tayo, you saved a cat that was stuck on a roof. Kahit na pa sobrang init ng panahon nun, you managed to climbed up there just to get her."

"Once lang yun no! Pati, napilitian lang ako.

"Not only that. Naaalala mo pa ba nung nanuod tayo ng star wars sa bahay? Iniyakan mo pa nga si R2D2 diba? Yun ay dahil naawa ka pagpira-piraso nya." He giggled. 

"Syempre," I paused for a while, "akala ko kasi namatay na sya eh." I pouted. 

"See?" He's trying to convince me. 

"Er. . . Kahit na! Di mo padin doon makikita yun!

"Eh nung niligtas mo ako sa mga nang bubully sakin?" He paused to smile. "Diba nagawa mo lang naman yun dahil naaawa ka sakin?"

Oo tama nga si Jed! Sobrang maawain talaga ako lalo na't alam kong inosente ang isang tao. Mabilis akong magpatawad at maging OK. Siguro naging likas na saakin ang ganung ugali dahil sa wala akong tunay na magulang. Naappreciate ko masyado ang mga taong tumanggap saakin kaya ganun nalang ako kung makapagpahalaga sakanila. 

Pero ayaw kong maging ganun. Kasi the more na nagiging maawain at mapagpatawad ako, the more na aabusuhin ako ng tao. Kaya naman pilit kong pinagtatakpan ang ugaling yun. I'm trying my best na maging cold hearted nang sa ganun, less pain ang mararamdaman ko kung nagkataong may manakit saakin. 

Jed knows me well para masabing hindi padin ako nagbabago.  Just like what he said, niligtas ko sya nung time na una kaming nagkakilala. Likas din kasi sa lalaking 'to ang pagkaNERD kaya nagiging bully magnet sya. 

But this is no time for reminiscing. What I need to think of is kung paano ako habang wala si Mama. Should I go to school tomorrow or should I just visit her? Malapit na ang school elections kaya dapat na akong maging mas active sa school ngayon. 

"Osya Osya." I suddenly changed mood. "Umuwi ka na nga. Matutulog na ako.

"Ganun nalang yun? Matapos kitang i-comfort papaalisin mo nalang ako?

Time Traveler PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon