Ep.01- From 10 years to Now

31.9K 641 101
                                    

Everyone sees what you appear to be...

                 ...Few really know what you are

                                                                     -Niccolò Machiavelli (The Prince)

 ~

Orphanage... 

 

"Be good to her ah. Ipasyal nyo sya dito sa buong orphange." Utos ni Sister Mildred sa mga batang nakaharap sakin. "Oh Francheska, 'wag kang mahihiyang makipagkaibigan sakanila ha?" bulong nya. 

Tumango nalang ako dahil nahihiya akong sumagot. Medyo natatakot pa kasi ako sa lugar na 'to gawa ng hindi ako sanay.

Tuluyan na akong iniwan ng iba pang mga madre na kasamang naghatid saakin dito sa Orphanage. Tanging mga hindi pamilyar na mukha ang nakikita ko ngayon. Masaya silang naglalaro habang ako, tahimik na napako sa kinatatayuan ko. 

Ngayon palang, gusto ko nang umalis sa lugar na 'to. Alam kong hindi ako welcome dito. Natatakot akong kausapin ang sino man sakanila dahil baka saktan lang nila ako. Ayoko nang makaranas pa ng pananakit ulit. Ayoko na. 

"Hello Francheska." Lumapit saakin ang isang batang lalaki na halos kaedad ko lang. "Ako si Andrei. Bakit ang tahimik mo?" Tanong nya. 

Kahit na gusto kong sumagot, walang boses na lumalabas sa bibig ko. Parang natuyuan na ako ng lalamunan dahil simula pa kanina, hindi na ako nagsasalita.

"Pipi ka ba?" Maayos naman ang tono ng pagtanong nya.

"H-hindi." Finally, nakapagsalita na din ako.

"Hindi naman pala eh." He looks somehow relieved. "Tara sumama ka sakin. May ipapakita ako sayo.

Dinala nya ako sa likod ng Orphanage kung saan walang ibang tao kung hindi kaming dalawa lang. Umakyat sya sa isang puno at umupo sa sanga nito na tila ginawa nyang sariling bahay-bahayan. 

"Dito ang hideout ko! Madalas akong tumatambay dito lalo na kapag katapos kumain. Tahimik kasi dito. Hindi tulad sa playground, sobrang dami nila dun." He seems to be comfortable talking with me. "Tara akyat ka!

Tinulungan nya akong makaayat sa puno. Inabot nya ang kamay ko at hinila ako paakyat. Dun ko napansin ang tahi sa braso nya.

"Eto ba?" Napansin nyang dito ako nakatingin. "Nakuha ko 'to sa aksidente bago pa ako dalhin dito sa orphanage. Magkakasama kaming naaksidente nila Mama at Papa nung araw na yun. At saaming tatlo, ako lang ang nakaligtas. Kaya ngayon nandito ako." Sa kabila ng malungkot nyang kwento, nakangiti padin sya. 

Simula nung araw na yun, si Andrei na ang naging lagi kong kasama. Natulungan nya rin akong iboost ang confidence ko. Madalas na akong nakikipag-usap at tumatawa hindi tulad noon na laging walang imik. 

"Oy Francheska! Siguro ikaw yung nagnakaw nung alkansya ko no!" Bintang saakin ng sipunin at siga-sigang kasamahan namin dito sa Orphanage na si Cid.

"Sinabi ni Sister Mildred, masama raw magbintang na magnanakaw." Depensa ko sa sarili ko kahit medyo natatakot na ako.

"Ibalik mo sakin yun! Magnanakaw!" Sabay bigla nya akong inambahan.

Napapikit nalang ako. Wala naman kasing laban ang katulad kong patpatin sa malahiganteng katawan nya eh. Pero pagdilat ko, si Andrei ang nakita kong nasa harapan ko. Tila hinaharangan nya ako para protektahan. 

Time Traveler PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon