Ep.12- A Royal Story

9.8K 288 14
                                    

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa loob ng isang madalim na gubat, tumatakbo ang isang batang prinsesa na tila hinahabol ng kung anong mabangis na hayop. Hindi sya maghimayaw sa pag-iyak habang ilang ulit na isinisigaw ang pangalan ng ama. 

Sa ilang oras na pagtakbo, nakaramdam din sya ng pagod. Hindi nya na maigalaw pa ang mga binti at napaupo nalang sa sahig. Alam nya na sa mga oras na 'to, hindi na sya makakaligtas pa. Napapalibutan na sya ng mga nanlilisik na mata at naglalaway na bibig ng mga mababangis na hayop. Tanging ang pagiyak nalamang ang maaari nyang gawin. 

Nang walang ano-ano, may isang lalaki na hindi nalalayo sa edad nya ang tumalon mula sa sanga ng isang puno. Hinarang nya ang prinsesa para protektahan 'to ng buong tapang. Binugaw nya ang mga mababangis na hayop gamit ang maliit na patalim na yari sa bato. 

Nang magtagumpay sya sa pagtaboy ng mga ito, saka nya hinarap ang prinsesa at tinulungang makatayo. Kahit alam ng prinsesa na ligtas na sya, hindi padin nya mapigil ang pag-iyak. 

"Ayos ka lang ba?" tanong ng batang lalaki. 

"Oo. . . *sniff* ayos lang *sniff* a-ako." humahagulgol na sagot ng prinsesa. 

"Ano bang ginagawa mo dito? Alam mo bang delikado ang gubat?"

"Na-- *sniff* nawawala kasi ako. *sniff* Hindi ko alam ang daan pauwi." medyo tumatahan na sya.

"Saan ka ba nakatira? Ihahatid kita.

"S-sa. . . Palasyo ng Altair. Doon ako nakatira.

"Teka? Ang ibig mo bang sabihin. . ." agad lumuhod ang lalaki upang magbigay pugay, "Patawarin nyo po ang aking kahangalan. Hindi ko po nais maging bastos sa inyong harapan. Patawarin nyo ako bagama't hindi ko alam na kayo pala ang mahal na prinsesa."

"Uh. . H-hindi! Tumayo ka. Wala kang kasalanan." utos ng prinsesa.

"Ipinapangako ko po na dadalhin ko kayo pabalik ng palasyo ng ligtas pero hindi pa sa ngayon. Palubog na ang araw at siguradong nagkalat na ang mababangis na hayop sa paligid. Mas mainam na kinabukasan na tayo maglakbay.

Dinala ng batang lalaki ang prinsesa sa isang parte ng gubat kung saan sya naninirahan. Yari sa kahoy at bato ang maliit nyang bahay na tanging sya lang ang nakatira. Kumuha sya ng ilang punong kahoy para gumawa ng apoy na magsisilbing ilaw at init na panglaban sa malamig na gabi.

Habang nagluluto ang lalaki ng hapunan, lumabas ang prinsesa mula sa loob ng bahay para tabihan sya at kamustahin. 

"Mahal na prinsesa. Patawarin nyo po ako saaking tirahan. Ito lamang po ang maililingkod ko sainyo para sa gabing ito." paumanhin nya. 

"Huwag mong isipin yun. Dapat nga akong magpasalamat dahil sa pagtulong mo saakin." sagot naman ng prinsesa. "Sya nga pala, bakit dito ka nakatira sa gubat? Bakit hindi ka sa syudad manirahan?

"Lumaki ako ng walang mga magulang. Hindi ko alam kung bakit iniwan nila ako dito. Basta't ang alam ko, ito na ang itinuturing kong tirahan mula pa noong magkamalay ako."

"Hindi ka ba nalulungkot na mag-isa ka lang dito?"

"Matagal na akong nandito. At isa pa, hindi rin ako sanay na nakikipag usap sa ibang tao. Pumupunta lang ako sa syudad kapag may kailangan ako bilhin. Pero kadalasan, nandito lang ako."

Nalungkot ang prinsesa sa kwento ng lalaki. Hindi nya lubos naisip na sa murang edad nya, nararanasan nya na nag mamuhay mag-isa. Kaya naman nakaisip ng magandang ideya ang prinsesa.

Time Traveler PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon