"Cid! Ikaw nga! Naaalala mo pa ba ako?" I shouted.
"Teka. . ." Minukhaan nya ako saglit, "Francheska ikaw ba yan?" He ask.
"Oo ako nga! Ang tagal nating di nagkita!"
"Oo nga eh." Napatingin sya bigla kay Nikolai. "Andrei? Ikaw na ba yan? P-paano ka nakaligtas?" He looks shock.
"Uh. . . Cid." I said, "Hindi sya si Andrei. Kaibigan ko sya."
"Ganun ba? Uhm.. Sorry."
Kung maaalala nyo, si Cid ay isa sa mga kasama ko noon sa orphanage. Sya ang tinaguriang pinaka Bully saamin noon. Minsan nya narin akong binully pero pinagtanggol ako ni Andrei sakanya. Now, I can't believe na after 10 years, makikita ko sya ulit.
Ayon sakanya, natratrabaho daw sya sa isang Non Government Organization. Isa syang Voluntary teacher ng mga batang hindi afford mag-aral. At the same time, cook din sya! Dahil sa sobrang tuwa ko sa unexpected naming reunion, sumama ako sa Charity house kung saan sya nagtratrabaho.
"Wow. Nagbago ka na talaga Cid ha!" Then I chuckled.
"Haha. Yung nag adopt kasi saakin, charity worker din. Kaya naman ito ako ngayon." he looks proud of it. "Sya nga pala Cheska. Kamusta ka naman?"
"Eto, last year ko na sa highschool. Soon, magtetake na ako ng entrance exam for a university."
"Talaga lang ha? Umaasenso!" Then we both laugh.
"Maiba nga ako Cid," I suddenly change the topic, "Bakit parang kanina gulat na gulat ka nung sinabi mong ligtas si Andrei? Uhm.. Alam mo ba kung ano ang nangyari before nasunog ang orphanage?" I curiously ask.
"Actually," Napatingin tingin sya sa piligid. "Saksi ako sa nangyari..."
Napatigil ako bigla nung marinig ko yun. Parang biglang nahukay ang curiousity ko mula sa sampung taon na pagkakabaon.
"Talaga! S-sige nga, ikwento mo saakin." Medyo naeexcite ako na ewan.
"Sige ba. Pero 'wag dito. Lumipat tayo ng lugar." He said.
Malaki ang Charity house na 'to kung tutuusin. May malaking kusina, mga kwarto, playground, at classrooms. Dinig mo ang tawanan ng mga bata kahit saan ka pumunta. Nakakatuwa silang pagmasdan. Dahil sakanila, naaalala ko ang masasayang araw nung nasa Orphanage pa ako.
Dinala nya kami sa isang bakanteng classroom. Dinalhan nya din kami ng meryenda ni Nikolai. Matapos nun, nagsimula na syang magkwento.
"So, saan ba ako dapat magsimula?" He cluelessly ask.
"Sa pinagmulan ng sunog! Kwento mo lahat ng pangyayari!" Di na ako makapaghintay sa kwento nya.
"Uh.. Ganito kasi yan." Pumwesto sya ng upo para sa isang mahaba habang kwento, "Bago magsimula ang sunog, mga around 8am siguro, naglalaro kaming lahat sa playground. Ikaw lang ang wala nun dahil tulog ka pa. Anyway, habang naglalaro kami, may napansin akong kausap si sister Mildred. Isang matangkad at matabang lalaki na nakasuot ng mahabang lab coat. Hindi ko yun pinansin nung una. Pero maya maya pa, doon na nagsimula ang lahat."
*Dramatization*
Habang naglalaro kami ng taguan, napatigil ako nang makita ko ang dalawang di kilalang lalaki na naglalakad sa loob ng orphanage. May dala dala silang container ng gas. Hindi nila alam na nakasunod ako dahil sa nagtatago ako. Maya maya pa, sinimulan nilang buhusan ng gas ang paligid ng orphange na ikinabigla ko.
BINABASA MO ANG
Time Traveler Prince
FantasyCheska has a Prince, a literal Prince that will save her from anything, do whatever she wants, and will stay with her FOREVER! If you think it's awesome, then think again. Because THIS prince is much different from what you're expecting. Just let t...