Ep.18- Another Revenge, No?

7.6K 247 16
                                    

"Pleaseeee. Don't!" I beg. I'm literally crying. 

Gumagapang na sya papalapit saakin! I'm at the corner of the bed, covering my almost naked body with a blanket. Amoy na amoy ko ang hininga nyang amoy alak. I can't imagine him kissing me with those nasty lips. I didn't think everything will just end like this. Sana kasi hindi na ako tumakbo palayo sakanila. Sana di na ako umalis. 

"Come to me baby!" he whispered. It gave me goosebumps. 

"Please save me...." I'm losing hope. "I need you now. Nikolai.

4 days earlier....

"Hoy Nikolai!" tinutusok tusok ko sya ng remote habang mahimbing syang natutulog sa couch.

"Mm. . . Gh. . ." mukhang nananaginip pa sya. 

"Psh... Ang haba naman ng tulog neto. Sabi ko magpahinga lang sya saglit ih.

Halos limang oras na din akong naghihintay sakanya. Sa totoo lang, bored na ako dito. Naikot ko na ng ilang ulit ang unit nya at lumuwa na din ang mata ko kakanuod ng t.v pero hanggang ngayon, tulog padin sya. Walang pagkain na nakastock sa kusina kaya naman gumagawa na ng ingay ang t'yan ko sa gutom. 

"Nikolaaaaiii. Gumising ka naaaa." sinisipa sipa ko na din sya para magising. 

Dumilat sya bigla. Agad syang napatayo na tila gulat na gulat. 

"Cheska!" mabilis syang lumapit saakin, "Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?

"Er.... napapano ka ba dyan?

"Cheska! Sabihin mo. Sinaktan ka ba nya?" sabay mahigpit nyang hinawakan ang magkabilang braso ko.

"Bitawan mo nga ako Nikolai! Nananaginip ka!

Tumingin tingin sya sa paligid para magobserve saka nya ako tinitigan ng matagal. At dun nga nya narealize na nananaginip lang sya at kakagising nya lang. Binitawan nya na ako sabay umupo na sya sa couch.

"Ano bang napanaginipan mo?" I asked.

"Si Lance. Napanaginipan ko na kinuha ka nanaman nya.

"Hahaha. Paano naman mangyayari yun? Eh nakulong nga sya diba?

"Pero para kasing totoo eh. Kaya natakot ako.

"Sus! Panaginip lang yun. Wag mo nang isipin. Anyway, pwede ba kumain muna tayo. Nagugutom na talaga ako eh.

Pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant at doon kumain. At syempre, bilang si Nikolai na napakarami naman palang pera, sya ang magbabayad ng lahat lahat. Pero hindi ako nang aabuso! Sadyang hindi ko lang afford ang mga pagkain dito. (≧0≦) 

"Sya nga pala Nikolai. Bakit ba hindi ka nalang dun sa mansyon ni Dr. Belt tumira? Eh diba wala naman nang tumitira dun?" I open up. 

"Dahil hindi pumayag si Clark." tuloy lang sya sa pagkain.

"Mmm... Dahil ba sakanya 'to binigay at di sayo?"

"Ang totoo nyan, saaming pareho iniwan ni Dr. Belt ang mansyon."

"Ha? Eh bakit kay Sir Clark lang napunta?

"Nung araw na umalis si Dr. Belt, sinabi saakin ni Clark na hangga't maaari, huwag akong titira sa mansyon.

"Eh bakit naman?

"Dahil kahit daw tinulungan ako ni Dr. Belt, hindi padin namin sya basta basta mapagkakatiwalaan. Maraming pwedeng mangyari kung tatanggapin namin ang lahat ng alok nya. Kaya naman pinaubaya ko na ang mansyon kay Clark."  

Time Traveler PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon