Pumunta ako sa Address na nabanggit nya. Syempre tinupad ko ang pangako kong hindi magsasama ng kahit na sino kaya dapat lang na tumupad din sya sa pangako nyang hindi nya na sasaktan si Nikolai.
Napunta ako sa isang sira sirang building. Tago ito kaya mahirap hanapin. Anyway, pagkapasok ko sa loob, agad kong nakita si Nikolai. Nakatali sya sa isang upuan. Walang tao sa paligid. Kaya agad akong tumakbo palapit sakanya at sinubukan syang kalagan. Pero maya maya pa, narinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Magaling Cheska. Mukhang tumupad ka nga sa usapan."
Napalingon ako bigla. Nakita ko ang isang lalaki na papalapit saakin. Kung titingan, parang hindi sya nalalayo sa edad ko.
"Ikaw naman ang tumupad ngayon. Pakawalan mo na si Nikolai!" Matapang na sabi ko.
"Pakawalan?" He giggled, "Yang hayop na yan? Papakawalan ko? Hindi mo ba alam kung gaano namin kahirap hinuli yang g*gong yan?" Nakaturo sya kay Nikolai. "Halos patumbahin nya ang lahat ng kasama ko sa bugbog tapos papakawalan ko lang basta basta? Hindi natin alam kung anong pwedeng gawin nyan."
"Eh ano ba kasing kasalanan namin sainyo? Bakit nyo kami ginaganito?" I'm almost crying.
"Ikaw wala. Pero yang boyfriend mo meron!" Lumapit pa sya saakin ng konti. "Gumaganti lang kami matapos nyang lampasuhin ang subway gang. Remember? Bigla nalang syang sumulpot nung hinarang namin kayo? Alam mo ba na halos dalawang linggo sa hospital ang ilang kasamahan ko dahil lang sakanya? Kaya ngayon, kami naman ang magpaparanas sakanya ng hirap at sakit!"
"P-pero kasalanan nyo rin naman ah!" Apila ko, "Masasama kayo kaya dapat lang sainyo yun!"
Nakaharang lang ako kay Nikolai. Tila prinoprotektahan ko sya.
"Ano pa bang kailangan mo?" Tanong ko sakanya. "Nakaganti na kayo diba?"
"Wag kang mag-alala. Tapos na kami sakanya. Kaya ngayon," Lumapit sya saakin at bumulong, "ikaw naman."
Bigla akong kinilabutan at kinabahan sa huling sinabi nya. Tumatawa lang sya habang masama lang ang tingin ko sakanya. Mukhang nag eenjoy sya sa ginagawa nyang 'to. May mga tao pala talagang katulad nya.
"Balak mo rin bang saktan ako?" Pagalit na tanong ko.
"Ikaw? Sasaktan ko? Syempre hindi." Sabay hinaplos nya ang pisngi ko. "Gusto mo ba talagang malaman kung anong gagawin ko sayo?"
BINABASA MO ANG
Time Traveler Prince
FantasíaCheska has a Prince, a literal Prince that will save her from anything, do whatever she wants, and will stay with her FOREVER! If you think it's awesome, then think again. Because THIS prince is much different from what you're expecting. Just let t...