Ep.10- Fred's Corner

8.9K 263 32
                                    

"A-anong Fred's Corner?" Kahit di ko pa alam ang ibig sabihin nun, nakaramdam na ako ng kaba. 

"Matagal tagal na rin nung huli kong narinig ang tungkol dito," said Jed, "Nagsimula ang lahat noong nagpakamatay ang isang teacher na kilala bilang si Sir. Fred. Napakabait nya kung tutuusin. Kinagigiliwan sya ng maraming estudyante. Pero sa hindi malaman na dahilan, nagpakamatay sya dito mismo sa room na ito. Natagpuan daw sya ng isang janitor na nakabigti dito. Simula nun, hindi na muling ginamit pa ang room na ito. Ang sabi ng iba na madalas na nasa library, sa tuwing sumasapit daw ang hapon, may naririnig silang classic music na tumutugtog dito na ayon sa kanila ay paborito raw ni sir Fred nung nabubuhay pa sya. Kapag daw narinig mo na yun, kailangan mo nang umalis. Dahil kung hindi, mas nakakatakot pa ang susunod mong maririnig.

"A-a-at ano man yun?" Nanginginig na ako sa takot. 

"Maririnig mo ang palakas ng palakas nyang pagtawa. At kapag narinig mo raw yun, mapapasailalim ka ng tinawag nilang Fred's Corner."

"Anong mangyayari pagkatapos nun?

"You'll be in a deep madness. Mapipilitan kang gumawa ng masasamang bagay kahit hindi mo gusto. And worst case scenario, pwedeng gawin mo ring ang ginawang pagpapakamatay ni Sir. Fred.

"W-What! That's creepy." That story gives me goosebumps. 

Natahimik kami sandali. Hindi namin alam kung anong ang irereact matapos ang kwento nyang yun. 

"Pssh. Sino ba naman ang maniniwala sa istoryang yan? Sigurado panakot lang  yan ng mga librarian para maagang magsi-uwian ang mga estudyante sa library at mapadali ang trabaho nila." Kontra ni Marian.

"Kung sabagay. May point ka." Medyo gumaan ang loob ko sa sinabi nya. 

Maya maya pa, bigla nalang may tumugtog na music pero hindi namin alam kung saan 'to nanggagaling. At ang mas nakakatok pa, classic music ito. (Play music on the right) 

"A-ano yun?" Tanong ko. Sinimulan nanaman akong kabahan. 

"Ayan na! Ayan na yung Music na sinasabi nila!" Kabadong sabi ni Jed. 

"Ibig sabihin totoo nga ang ikwinento mo Jed!" Halos maiyak na ako sa takot. 

Nag dikit dikit kaming apat. Lahat kami takot na takot maliban kay Nikolai na kanina pa nananahimik. 

Maya maya pa, sumunod na ang pinaka nakakakilabot na part. May narinig kaming mahinang tawa ng isang lalaki. At palakas ito ng palakas. Nagtakip ako ng tenga. Umiiyak na talaga ako this time. Hindi ko inakalang dadating ako sa ganitong punto. 

Habang lahat kami ay nagsisigawan sa takot, biglang nagsalita si Nikolai. 

"Alam ko na kung saan 'to nanggagaling." He said.

"Ha? Anong bang sinasabi mo?" Tanong ko. 

Humiwalay si Nikolai saamin at lumapit sa pader para pakinggang mabuti kung saan nanggagaling ang music at ang tawa. Napahinto sya sa isang parte ng pader at agad lumayo. 

"Dito! Dito nanggagaling ang tunog. Nakakasigurado ako." Nakaturo sya sa pader na ayon sakanya ay pinanggagalingan neto. Kinuha nya ang backpack nya at nilabas ang granada sabay sabing, "Lumayo kayo!"

Agad kaming nagtago sa likod ng nakatumbang mesa. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang tanggalin nya ang pin ng granada at agad binato sa pader. Napapikit ako at maiiging napatakip sa tenga. Sumabog ng malakas ang granada na dahilan para mawasak ang pader. 

Time Traveler PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon