Hindi ako pwedeng magkamali! Tandang tanda ko pa ang tahi sa brasong ito ni Andrei. Kaya pala nung harangin nya kanina yung suntok na dapat tatama saakin, bigla kong naramdaman yung same feeling nung pinagtanggol nya ako sa Orphanage.
"Andrei!" Mahigpit ko syang niyakap. "Saan ka ba galing? Bakit ang tagal mong nawala?"
Unti-unti syang nagising at nang marealize nyang nakayakap ako sakanya, niyakap nya din ako.
"Andrei~" I'm crying.. "Akala ko hindi na kita makikita ulit eh."
Napakadrama ng mga pangyayari. Tila nag fla-flash back sa isip ko ang lahat ng mga pinagsamahan namin noon. Hindi ko talaga inakalang makikita ko pa sya ulit. Sampung taon na rin ang nakalipas simula nung magkahiwalay kami.
"Alam mo ba, lagi akong umiiyak simula nung nawala ka." I said. "Ikaw pa naman ang bestfriend ko nun. Sabi ko sa sarili ko, wala nang magtatanggol saakin. Saan ka ba kasi galing Andrei?"
Hinawakan ng dalawang kamay nya ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko.
"Cheska?" Mahinang sabi nya.
"Kaya pala alam mo ang pangalan ko." Tuloy padin ang pagluha ko. "Bakit di mo sinabi agad?"
"Makinig ka saakin Cheska. Kailangan mo 'tong malaman."
"Ano yun Andrei?"
".....
.
..
...
... hindi Andrei ang pangalan ko..."
.
.
.
.
"Seryoso ka?" Biglang umatras ang mga luha ko sa sinabi nya.
"Oo. At wala akong alam sa mga sinasabi mo. Hindi ako ang taong tinutukoy mo."
Nakakabwisit isipin na sinabi nya ang lahat nang yun with a straight face. Wala man lang kaexpre-expression. Napaka walang buhay ng aura nya.
Dahan dahan akong tumayo at lumakad paalis. Bigla nalang akong nawalan ng gana dahil sa sinabi nya. Kung totoo ngang hindi sya si Andrei. . .
.
.
.
.
NAKAKAHIYA!!!
"Saan ka pupunta?" Tanong nya saakin.
Hindi na ako umimik. Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Madadagdagan lang ang kahihiyan ko kung magsasalita pa ako.
"Delikado kung lalabas kang mag-isa." Agad syang lumapit saakin para pigilan ako.
"Sino ka ba talaga ha?" Bigla akong humarap sakanya. "Ano bang kailangan mo saakin? At kung hindi ka si Andrei, bakit kilala mo ako?"
BINABASA MO ANG
Time Traveler Prince
FantasyCheska has a Prince, a literal Prince that will save her from anything, do whatever she wants, and will stay with her FOREVER! If you think it's awesome, then think again. Because THIS prince is much different from what you're expecting. Just let t...