Ep.22- The Prince

7.2K 238 30
                                    

As soon as marinig ko galing kay Cid na natagpuan nya na si Andrei, agad ko syang pinuntahan sa Charity house. Tinapos nya muna ang ginagawa nyang pagtuturo sa mga bata bago sya nagkaroon ng oras para kausapin ako. 

"Totoo bang alam mo na kung nasaan si Andrei?" tanong ko na tila di makapaghintay sa isasagot nya. 

"Oo. Totoo lahat ng sinabi ko kanina sa telepono." sagot nya naman. 

"Kung ganun, then dalhin mo ako sakanya ngayon na! Gusto ko na syang makita." pakiusap ko. 

"Ang totoo nyan Cheska...." napakamot sya sa pisngi,  "malabo na makita mo pa sya eh."

"Ha? Bakit naman??

"Kasi... Er..." he sighed, "Ikwekwento ko muna sayo kung paano ang nangyari. Pero pwedeng maupo muna tayo?" aya nya. 

Pumwesto kami sa isang puno malapit sa pinagkakainan ng mga bata. Doon, nagsimula syang magkwento. 

"Kaninang umaga," panimula nya, "Nalaman kong may duty kami sa isang orphanage na kagagawa lang. Hindi nila sinabi saakin kung saang lugar pero sumama nalang ako. Pagkadating namin, doon ko nakita ang medyo pamilyar na bahay ampunan. Doon ko unti unting narealize na yung pala ang orphanage na pinaggalingan natin. Matapos ang ilang taon mula nang masunog 'to, ngayon nalang pa uli 'to naitayo. Nabigla ako nang malamang sila Sister Mildred padin ang nagpapatakbo dito. Ikinatuwa nya naman na makita ako dahil ilang taon narin daw ang nakalipas at masaya syang naging charity worker ako. Habang nagkakamustahan kami, doon ko naisip na itanong ang isang bagay. Ang tungkol kay Andrei....

Nagpasama agad ako kay Cid para puntahan ang dati naming tinirahang orphanage. Doon ko nakita si Sister Mildred na halos walang pinagbago ang hitsura. Matapos kaming magkamustahan, agad kong ipinakwento sakanya ang lahat ng nalalaman nya tungkol kay Andrei.

"Si Andrei ba kamo?" nalungkot bigla si Sister Mildred sa pagbanggit palang ng pangalan nya, "Napaka bait na bata nun. Inuuna nya pa ang pag tulong sa mga gawain kesa maglaro. Napakatalino din nya. Hindi sya tulad ng ibang bata. Sa pagkakaalam ko kasi, parehong doctor ang mga magulang nya kaya nabiyayaan sya ng kakaibang talino. Mahilig syang magbasa ng mga kung ano-anong libro na para lang sa matatanda. Napaka masayahin din nya at napakasipag. Kaya naman nabigla ako nang malamang....." lalo syang lumungkot, "malamang hindi sya nakaligtas sa sunog." 

Halos mapaluha na din ako sa nalaman. Kahit na kay Sister Mildred na nanggaling ang salitang yun, tila di padin ako makapaniwala. Pero sa kabila ng kalungkutan ko, pinatuloy ko padin sakanya ang kwento. 

"Nung mapatay na ang sunog," she continued, "Agad pumasok ang mga bumbero sa loob para suriin ang buong orphanage. Doon, natagpuan nila ang isang sunog na katawan na halos di na makilala. Napag-alaman naming si Andrei nga ito dahil sa suot na sapatos at kwintas na ito.

Inabot saakin ni Sister Mildred ang isang golded locket. Doon ko naalala na ito pala ang locket na ineregalo ko sakanya noon. Di ko na napigilan ang luha ko dahil mas lalo kong naalala ang mga araw na kasama ko si Andrei. Nakalagay pa sa loob nito ang picture naming dalawa na mas lalong nagpabagsak ng mga pinipigilan kong luha. Napaluhod nalang ako habang idinidiin sa dibdib ang locket. 

Time Traveler PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon