Dahil sa masyado kong pagproblema sa pag uncover ng totoong story ni Nikolai, nakalimutan ko na ang mga bagay na dapat iprioritize ko. Before I knew it, School Election na pala this week.
"Jed tulungan mo akoooo." Makaawa ko sakanya. "This is my last chance para maging president ng school. Gragraduate na tayo next year. I really need to win this!"
"Eh ano namang maitutulong ko sayo? Ano bang malay ko dyan. Humingi ka ng tulong sa mga campus heatthrobs at mga campus cash cows. Sila ang sikat dito!"
"Gamer ka diba? So you're a good strategist! Matutulungan mo ako kung makakapagbigay ka ng magandang tactic for winning."
"Ha? Gamer ako hindi marketer. Ang hirap kayang magkumbinsi ng tao! Lalo na't nerd ang tingin nila saakin. Tatawanan lang nila ako for sure."
"Pleaaaaasseee! Waaaah." halos magwala na ako sa desk ko kahit alam kong may teacher na nagtuturo sa harap.
"Umayos ka nga Cheska! Nagkaklase tayo oh!" Sita nya saakin.
"Waaa~ Jeeeed." Hawak ko ang braso nya at paulit ulit syang niyuyugyog.
"Oo na! Oo na!" Halatang iritado na sya. "Mamayang lunch break! Tutulungan kita. Kaya tigilan mo na ako."
"Yey! I knew I can count on you!" Then I winked at him.
"Pasalamat ka... mahal kita..." He whispered.
"What was that?"
"Wala! Sabi ko makinig na tayo."
"Ok! Thank you ulit Jeeed! Yiee." I'm relieved and kinda excited. ^__^
Nang sumapit ang alas dose, naiwan kaming pareho ni Jed sa classroom para pag-usapan ang gagawing plano. Una nyang tinanong saakin kung sino sino ang nasa party list ko. And now that he mentioned, narealize ko na wala pa pala akong idea kung sino ang mga ipapasok ko. Kaya naman naman kumausap kami ng mga kakilala namin para imbitahan sila. Nagroom to room na din kami para maghanap ng iba pang interesado. Yun ang ginawa namin buong maghapon, hanggang sa nakabuo nga kami ng isang party.
"So yan. Kumpleto na ang party list mo. Ako na din ang bahala sa mga flyers na gagamitin nyo. Pero tutulungan mo padin ako dun syempre!"
"Jed.." Nakangiti lang ako habang nakatingin sakanya.
"Ano yun? May kulang pa ba?"
"Waaaah! Salamat talagaaa!" Sinalubong ko sya ng mahigpit na yakap sa sobrang saya ko. "Thank you thank you thank you talaga! Hindi ko na alam ang gagawin ko kung wala kaaa! Muaah!" In addition, kiniss ko sya sa cheeks.
Pag-alis ko sa pagkakayakap ko. Bigla syang natahimik. Parang nanigas sya sa pwesto nya. At halata ko rin na medyo namumula sya.
"Uy Jed. Napano ka?" Tinutusok tusok ko ang cheeks nya.
"Uh.. W-wala. Ha-ha-ha. Oh tara na. Umuwi na tayo. Late na oh." Inayos nya na ang gamit nya at sabay na kaming umalis.
Sa Friday na ang election. So meaning, i have 3 more days to prepare. Since si Jed naman na ang gagawa ng mga flyers, napag isipan kong gumawa nalang ng cupcakes and fruit punches na ipamimigay namin sa kampanya.
Kinabukasan din, nagsimula na kami. Maaga kaming pumasok ni Jed ng school para mag abot ng flyers sa mga kapwa namin estudyante. Sa may front gate kami pumwesto nang sa ganun, bawat estudyante na papasok ay agad naming mabibigyan.
"Sya nga pala Cheska," Jed opened up while giving away flyers. "Nasaan na nga pala yung bagong transfer nating classmate? Yung... si Nikolai. "
BINABASA MO ANG
Time Traveler Prince
FantasyCheska has a Prince, a literal Prince that will save her from anything, do whatever she wants, and will stay with her FOREVER! If you think it's awesome, then think again. Because THIS prince is much different from what you're expecting. Just let t...