Ep.17- Lecture for the Prince

8.1K 236 14
                                    

"Oy Nikolai.

"Bakit Cheska?

"Uh. . . Kailangan mo pa ba talagang gawin 'to?"

"Ang alin?

"Ito! Itong ginagawa mo!"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ugh! Pwede ba Nikolai. Just stop!"

Kasalukuyan akong namamalengke ngayon habang nakabuntot saakin 'tong si Nikolai. Daig ko pa ang presidenteng may sampung body guard sa ginagawa nya. Lahat ng taong nadadaanan ko, parang pinag susupetsahan nya. Nagiging weird tuloy ang tingin ng lahat saamin. 

"Namamalengke lang ako," I said, "Walang mangyayaring masama. Ok?"

"Pero Cheska. Hindi tayo makakasigurado." apila nya, "Maraming pwedeng mangyari. Maraming mga mata na hindi natin alam, pinagmamasdan ka na pala at nagbabalak ng masama.

"Ugh! Pwede ba Nikolai. At once maging normal ka naman!

"Normal? Hindi ba ako normal?" tanong nya. 

"Hindi! Nakakahiya 'tong ginagawa mo eh." I pause to sigh, "Alam mo, may naisip ako."

"Ano yun?

"Basta. For now, just act normal. Mamayang pag uwi, malalaman mo ang sinasabi ko."

Just like what I've said, he stayed silent until we got home. Matapos kong iwan kay mama lahat ng mga napamili ko, agad na akong sumunod sa labas para sunduin sya. Naghihintay sya sa harap ng bahay sa paglabas ko. 

"Ano ba talagang gagawin natin Cheska?" agad na tanong nya.

"Mm. . ." nag-isip ako sandali, "Ano 'to?" tanong ko sakanya kasabay ng pagtapat ko ng cellphone sa mukha nya. 

"Uh. . . Yan ay isang bagay na ginagamit upang makipag komunikasyon sa taong malayo sayo. Tama ba?" he sounds unsure though. 

"Cellphone ang tawag dito! Cellphone! Kuha mo?

Nag nod lang sya. Feeling ko nawiwirduhan sya saakin. 

"Eh yun! Anong tawag dun?" tanong ko habang nakaturo sa nakaparadang SUV.

"Uh. . . Isang bagay na ginagamit pang transportasyon!" mabilis na sagot nya.

"Kotse ang tawag dun! Car sa english." tumuloy na ako sa paglalakad.

"Er... Cheska. Para saan ba 'tong ginagawa natin?" tanong nya habang nakasunod saakin. 

"Tuturuan kita.

"Tuturuan ng ano?"

"Ng mga bagay na dapat alam ng isang teenager na katulad mo.

"H-huh?" napatigil nalang sya sa paglalakad nang may halong pagtataka.

Naglakad lakad kami palibot dito sa area at napapad sa iba't ibang lugar gaya ng public park, fastfood chains, convenient stores, at public market. 

"Oh ano ulit ang tawag dito?" tanong ko habang hawak hawak ang kapirasong patatas.

"Pata. . . ni? Er. . . paminta? Mm. . . Pa. . . . Pansit? Oo Pansit nga!

Time Traveler PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon