Day 17 : Mad

12.8K 525 87
                                    

Mad
-----

"Miss Hannah, nandito na tayo sa apartment mo," naulinigan kong sabi ng katabi kong si Diane.

Bahagya ko nang maimulat ang mata ko sa pagkakasiksik sa tabing-bintana ng van na sinasakyan namin. Tinanggal ko ang pagkakapagkit ng pisngi ko sa salamin. Tinanaw ang apartment building sa labas.

Cream at mahogany ang color scheme. Five floors.

Yep. She was right. It's my apartment building.

Sinuklay ko ng daliri ko ang nagulo kong buhok at isinukbit sa balikat ko ang tote na nasa paanan. Hinawakan ko rin ang handle ng backpack ko, bago pasadahan ng tingin ang mga kasama ko.

Pumupungas ang Production Assistant na si Deo. Si Juniper na P.A. din ay masarap pa rin ang tulog. Ang cameraman na si Joven ay nakamata lang sa akin habang hawak ang cellphone niya.

"Deo, kasama kita sa editing bukas a. 'Wag kang biglang magkakasakit," bilin ko.

"Hindi, Ma'am," anito.

"Miss Hannah, kailangan n'yong bumili ng bagong phone today. Baka makalimutan n'yo," sabi ni Diane. P.A. din.

"Oo nga pala."

"Pero tulog muna, Ma'am," sabi ni Deo.

Tumango ako at humikab. "Ingat kayo pauwi. See you."

Tuluyan akong bumaba ng van matapos magpaalam sa driver namin.

Humihikab akong naglalakad papunta sa apartment building nang may bisig na pumigil sa 'kin. Medyo mabagal na ang response ko kaya late na akong makilala ang pamilyar na boses at cologne ni-

"Hon!" Mahigpit ang yakap sa 'kin ni Zig. Halos mabitawan ko ang bitbit kong backpack. Inihiwalay niya ako sa katawan niya at sinuri ako ng tingin. "I'm glad you're home."

Nakatingin lang ako sa boyfriend ko. Should I be glad that he was back from the arms of another girl? I didn't even have the energy to bother. Ang gusto ko na lang ay makarating sa apartment ko, makahilata sa sarili kong kama at pumikit ng lagpas walong oras.

Niyakap uli ako ni Zig. He was saying things. Pinapagalitan siguro ako dahil ilang araw akong hindi makontak. Hindi ko naman masyadong marinig ang mga sinasabi niya dahil bukod sa antok, I felt as if there was someone watching us.

Nasulyapan ko ang itim na kotse ni Zig sa malapit. And there, in the passenger seat was the person watching us intently.

Si JT.

Bahagyang lumipad palayo ang antok ko nang salubungin ang galit na tingin ni Boy Sungit. Napakunot ang noo ko sa simangot at gusot ng mukha niya. Why did he look so mad..? At me..?

Sumimangot ako. Napahikab uli. Parang nawala naman saglit ang galit sa mukha ni Sungit.

Humikab ako uli.

Namalayan ko na lang na binitiwan ako ni Zig.

"Sa'n ka galing?" tanong niya.

Napapasulyap pa rin ako sa lalaki sa passenger seat. Nakatingin pa rin si JT sa 'kin.

"Hon..." simula ko kay Zig. "I'm really so tired today. All I want to do is get to my apartment and sleep the whole day. Please?" tinatamad kong sabi sa kanya.

"Sa'n ba kayo galing ng crew mo?" tanong niya pa rin.

I couldn't believe that Zig looked so worried. But then, gano'n naman siya sa 'kin. Lalo na 'pag alam niyang pagod talaga ako.

"Baler. Aurora," sabi ko lang. Napahikab uli ako. Napapapikit na rin. "I really want to sleep so..."

Naramdaman kong umangat ang paa ko mula sa semento. Iniyakap ko ang braso ko sa leeg niya. Napipikit na talaga 'ko.

"I'll tuck you in," bulong sa akin ni Zig at hinalikan ako sa noo.

Walang elevator sa building namin. At sa fourth floor ang unit ko. Ibig sabihin, kakargahin niya 'ko sa hagdan paakyat.

' 'Yung backpack ko,' naisip kong sabihin pero napikit ako.

Nang makabawi ako sa pang-aagaw ng antok sa malay ko, nasa hagdanan na kami. Buhat pa rin ako ni Zig at nakasunod sa amin si JT. Bitbit ni JT ang backpack at tote ko.

Bahagya ko ring naririnig ang pag-uusap nila.

"She's usually like this whenever she came home from a trip. She would be too exhausted to even go up to her unit," malumanay na sabi ni Zig.

Wala namang kibo ang kinukuwentuhan niya.

"Her unit's on the fourth floor."

Sleep won over me again. Nang maalimpungatan uli ako, kinukumutan na ako ni Zig. I could feel JT's eyes on me kahit hindi ko alam kung saan siya eksakto nakatayo o nakapwesto sa silid.

Hinaplos-haplos ni Zig ang ulo ko. I felt his lips on my forehead bago siya bumulong, "We'll be going now, hon. Rest well."

I wanted to say something but sleep's stronger than my lips.

I heard them leave and vaguely heard the lock of my door clicked before I totally succumbed to sleep.

Six hours later, I woke up hungry though still sleepy. Pero dahil may lakas na 'kong lumaban sa antok at mas lamang na ang tawag ng gutom, bumangon ako.

There, on my dining table, I saw three food containers with the label of Tengo Hambre's restaurant. It has a note with a handwriting that's not Zig's.

It says : Eat as soon as you wake up.

Napangiti ako. #0301ma / 07292016

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon