Questions
-----Napatanga ako sa mansyon kung saan ako ibinaba ng taxi na sinakyan ko. Nasa tatlong palapag yata iyon (hindi ko masiguro dahil mataas din ang bakod). Cream at chocolate ang color scheme. Malalaki ang tinted glass na bintana.
Ilang ulit kong tinitigan ang numero sa gate para masigurong hindi ako naliligaw. Parehas sa ibinigay ni Harry. At nakaukit sa haligi kung nasaan ang doorbell ang mga katagang : Madrigal Residence.
Inayos ko ang pagkakahawak ko sa tatlong paperbags (isa ro'n ay may suksok na balloons) at isang kwadradong box ng cake. Kahit okupado ang mga kamay ay sinikap kong mag-doorbell.
Nakadalawang doorbell ako bago ko marinig ang kalantog ng pagbubukas ng gate.
Napangiti ako agad dahil akala ko, si JT ang magbubukas sa'kin. But instead of JT, out came a girl.
Nangilala ang babae nang magkatinginan kami.
"Ah..." she started with a soft voice, "Uh... Sino po sila?"
I straightened my back and smiled. "I'm Hannah. Ano... friend ni JT. Nandito raw siya... sabi ni Harry?"
The girl's face lit up. "Ah! Kaya may balloons! Para kay Jeric."
"Yeah."
"Tuloy," sabi niya at niluwangan ang bukas ng pinto. "I'll help with the bags."
Iniabot ko sa kanya ang dalawang paperbag ng pagkain. Naiwan sa'kin ang may balloons at may cake.
We quietly walked to the house. Nakasunod ang mata ko sa babae. She was wearing a white medical uniform. Naka-braid ang buhok niya sa tagiliran ng ulo niya. She has a very feminine demeanor.
She doesn't look like a househelp.
She's not Jenessy, right? Dahil ano'ng ginagawa niya sa bahay ng boyfriend niya kasama si JT?
"Jen, si Kuya Lando na ba'ng dumating?" tanong ni JT nang salubungin kami sa living room.
"Hindi. Bisita mo e," sagot ng tinanong.
Nagtama ang mata namin ni JT. Ngumiti ako. Isang malaking blangko naman ang isinukli niya sa'kin.
"Hi. Happy birthday!" sabi ko at itinaas ang box ng cake.
Kumunot ang noo ni Boy Topak. "Why are you here?"
Kumunot din ang noo ko. Gano'n talaga 'yung tanong niya? Parang ayaw niyang nakita niya 'ko? Nakakaistorbo ba 'ko sa kanya at kay Jenessy?
"Kasi may sakit ka," sagot ko. "Uh... sabi ni Harry. At birthday mo."
"May sakit ka?" singit ni Jen. Idinampi nito ang palad sa noo ni JT.
Nabaling sa babae ang atensyon niya. Titig na titig talaga siya e. He must be so happy right now with his crush touching him.
And how could she just casually touch him like that?
"Kanina ka pa nag-aayos ng kung anu-ano rito sa bahay. Are you feeling sick?" dagdag ni Jen.
Hinawakan ni JT ang kamay ni Jenessy at pinisil bago tanggalin sa sariling noo.
"I'm okay, Mrs. Madrigal," natatawang sabi niya.
Jenessy blushed. And I feel like going home.
"Sabi ni Harry may sakit ako?" baling ni JT sa'kin.
"Oo. Wala ba?"
His sour expression was answer enough.
"Pero birthday mo?" untag ko.
BINABASA MO ANG
Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)
ChickLitYou're my inevitable fall. - Hannah Aldea Milano