What I long to say...
-----Pumasok kami ni Harry sa ospital at sumakay ng elevator hanggang sa 7th floor.
"Ang huling message ni JT sa'kin, kanina pang seven p.m. Kapag wala siya sa labas ng O.R., baka nasa ICU na 'yun. 'Di ko na rin matawagan e."
Nakasunod lang ako kay Harry. Ang totoo, wala akong idea kung ano ang unang gagawin o unang sasabihin kapag nakita ko si JT. Ang daming nangyari sa loob lang ng ilang araw. Hindi niya pa rin nakikita 'yung messages ko sa kanya. Not that it would be easier to talk if he sees it. Paano ko naman ipaliliwanag 'yung capslock ko, 'di ba?
I was telling myself to calm down but my heartbeat wasn't listening.
Sandaling nakipag-usap si Harry sa reception desk bago kami mamaybay sa mga corridors.
"Nasa ICU na raw si Tito Jerome," sabi niya at sumulyap sa'kin. "Okay ka lang?"
Mahigpit ang kapit ko sa tagiliran ng dress na suot ko. I could feel my blood draining from my face and my feet wanted to run in the opposite direction. So, am I okay?
"Yata..." sabi ko at lumunok.
Mahina siyang tumawa at namulsa. We stopped by the door of one of the rooms.
"Nasa loob si JT. So, ano? Ako muna ang papasok sa loob o ikaw muna?" tanong ni Harry.
"Pangit kapag crowded ang ICU, 'di ba?" sabi ko sa kanya. "Baka maistorbo papa niya."
"E 'di, ako muna papasok?" tanong ni Harry.
Tumango ako. Umiling. Tumango.
"Ano ba talaga, darling?"
Iiling sana ako uli pero bumukas ang pinto ng kwarto at lumabas si JT.
"Harry babe," sabi niya nang makita si Harry bago natigilan nang mapatingin sa'kin.
I wanted to say something but my words were caught up in my throat.
Ramdam ko ang bawat segundong kinakain ng katahimikan sa pagitan namin.
Tumikhim si Harry. "Kumusta si Tito Jerome?"
"Kanina lang eight natapos ang operation," sagot ni JT at napahilot sa ulo. Umanggulo siya paharap kay Harry—kay Harry lang. "Bakit nandito ka, babe? Bumalik ka na sa ospital."
"Aysus. Siyempre, hinatid ko ang pagong mo."
"Bumalik ka na. Isama mo na rin 'yan."
Nagbuga ako ng hangin. I was reduced to 'yan'. Hindi na tumitingin sa'kin si JT. Mukhang hindi ako papansinin.
"Aray, darling. 'Wag mong gawin 'yan sa tunay mong pag-ibig!" Inakbayan ako ni Harry. "Magsalita ka kasi, babe."
Kumunot ang noo ni JT. Nanalas din ang mata bago nag-iwas ng tingin sa amin.
"Pupunta ako sa pharmacy," sabi ni JT. "May ichi-check akong—"
"Ako na. Mag-usap kayo ni Hannah," putol ni Harry at naglahad ng kamay sa kanya. "Akin na reseta?"
"Bumalik ka kay Neah."
"Mamaya. Kapag sure na 'kong 'di ka magbibigti," giit ni Harry. "Reseta, Doctor Teodoro."
Namulsa si JT, hinugot ang isang reseta, at ibinigay.
"Mag-usap kayo," bilin ni Harry bago pumihit paalis. Halos pinanood namin itong maglakad sa haba ng pasilyo hanggang sa makaliko sa kanto ng corridor.
"Umalis ka na rito," malamig ang boses na sabi ni JT. "Magagalit ang fiance mo."
Tumitig ako sa mukha niya. Malalim na ang mata niya sa puyat, hindi pa nakakapag-ahit, at bahagyang magulo ang buhok. He's by himself for hours.
BINABASA MO ANG
Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)
ChickLitYou're my inevitable fall. - Hannah Aldea Milano