Silence
-----Umiiyak pa rin ako nang nasa kotse na kami ni JT. I was seated at the passenger seat, hawak ang panyo na bigay niya. He was on the driver's seat. Hindi ko alam kung ano na ang iniisip niya.
Should I apologize for being a coward like this? Was he mad?
Bumaling ako sandali sa kanya. Nakasandal siya sa kinauupuan habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng jacket niya. Nakapikit.
"Natutulog ka?" sumisigok kong usisa.
"No."
Sumigok ako at sumandal din sa kinauupuan ko. Pagod na pagod na agad ako. Naupos ang lahat ng siglang mayro'n ako kanina lang, dahil sa eksenang narinig ko.
I knew Yhen. I met her once when I visited Zig's office. Anak siya ng isa sa malalaking kliyente ni Zig. She's two years younger than me. Mamahalin manamit. Mamahalin mag-ayos. Madaling maintindihan kung paanong mahuhumaling sa kanya si Zig.
I knew she was the first to like Zig. But...
Bumuhos uli ang luha ko. Why does it felt like this everytime? Every single time. Lagi akong parang nauupos. Lagi akong parang kinakapos ng hininga. Lagi akong parang... maiiwan. Everytime, I would be scared to ask for the truth. Laging mas kaya ko kung magkukunwari akong walang alam. Kung maghihintay akong lumipas na lang ang interes ni Zig sa mga babaeng nakikilala niya. Basta sigurado akong hindi niya ako hihiwalayan.
I'm cursed like this.
"You sure cry a lot," komento ni JT.
Lumingon ako sa kanya. Nakabaling naman siya sa 'kin habang nakasandal pa rin ang ulo sa headrest ng driver's seat; nakapasok pa rin ang mga kamay sa bulsa ng jacket.
His eyes were gentle and unassuming. Salungat sa inaasahan kong disappointment o panghuhusga.
"Hindi ka ba natutuyuan ng luha?" tanong niya uli.
Lalo akong napaiyak habang nakatingin sa kanya. Why is he being gentle like this? Why can't he just get mad at me like always?
Ibinalik niya ang paningin niya sa harapan ng kotse. Matagal na pumagitan ang katahimikan sa amin. Napalibutan kami ng babahagyang ilaw sa parking lot, ang digital lights ng dashboard ng kotse niya at ang mga hikbi ko.
The more we stayed covered by the silence, the more I was left alone with my thoughts, the more I suffered from an invisible weight. Pakiramdam ko, may nakadagan sa dibdib ko kaya hindi ako makahinga. Kahit suminghap ako, pakiramdam ko, lumalayo ang hangin. Naiiwan akong nalulunod sa sarili kong luha.
"Sayang..." -suminghap ako ng papalayong hininga- "yung performances..."-kusang umaalsa ang dibdib ko-"na 'di natin napapanood."
Nilingon ako ni JT. Hindi ko na naman maintindihan kung ano ang ipinahihiwatig ng mga mata niya.
"Magulo ang buhok mo," sabi niya.
Napahawak ako sa buhok kong nakalugay. Sinuklay ko gamit ang daliri ko. Inayos ko pati bangs.
"Okay na?" tanong ko.
Umabot ang kamay niya sa buhok ko. Pinulot niya ang ilang hibla na nakadikit sa basa kong pisngi. Naramdaman ko ang dulo ng daliri niya sa tainga at leeg ko nang suklayin niya ang buhok ko gamit ang kamay niya.
"'Yan."
Hindi ako kumibo. Abala ako sa pagsinghot at pagsigok.
"You really want to hear the poems?" tanong niya.
"Pero ayokong bumalik sa loob. Baka bumalik si Zig," sabi ko.
Sandali siyang tumingin sa 'kin bago bumuntong-hininga.
BINABASA MO ANG
Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)
Literatura FemininaYou're my inevitable fall. - Hannah Aldea Milano