Eyes on you
-----Kusa akong nagising kahit hindi ko alam ang oras. Nabungaran kong nakapikit pa rin si JT at malalim ang paghinga. Hawak pa rin niya ang kamay ko.
Ilang sandaling pinanood ko ang pagtulog niya. There is magic in waking up beside him and seeing him first thing in the morning. Ang aga kong mapabuntonghininga. My heart felt full and tender.
Napangiti ako.
Maingat akong dumapa at gamit ang libre kong kamay ay pakapang hinanap ang cellphone ko. It should be somewhere by my side.
Lumusot ang kamay ko sa ilalim ng unan at hinugot ko mula ro'n ang gadget. I powered up the screen. The display indicated that it was seven in the morning.
Kailangan sigurong bumangon ako at maghanda na ng pagkain. Hanggang alas dies lang si Harry sa ospital.
Dahan-dahan kong inalis ang mga daliri ko sa pagkakabuhol kay JT at nagtangkang hilahin iyon. Pero sa tuwing halos magkakalas kami ay humihigpit ang hawak niya.
On my nth try, he opened his eyes and met mine.
"Hi..." he whispered. Inayos niya ang pagkakabuhol ng daliri namin at dinala sa labi niya ang likod ng palad ko.
I swallowed. "Hi..."
"Where are you going so early in the morning that you're letting go of my hand?" malumanay niyang tanong.
"Sa kusina sana para magluto..." sagot ko.
" 'Wag ka nang magluto. Magpa-deliver na lang tayo." Magaan niya 'kong hinila sa kamay palapit sa kanya. "Come here."
Umisod ako sa yakap niya. Hinalikan niya 'ko sa noo bago niya ipatong ang pisngi niya sa ulo ko.
"I'm going to sleep for ten minutes more, Pagong. Be careful with your movements," bulong niya.
Umingos ako. "Gano'n? Wala akong pwedeng gawin?"
"You can kiss me and disrupt my sleep. I'll forgive you."
Oh boy. Paano ako hihinga sa mga kondisyon nito?
"Matulog ka na. Oorasan kita," bulong ko sa kanya.
"Yeah."
Hinigpitan niya ang yakap sa'kin at bumalik sa pagtulog.
Nagbilang naman ako ng minuto.
***
Eksaktong sampung minuto ay gumalaw si JT. Ikiniskis niya ang pisngi niya sa buhok ko bago huminga nang malalim."Are you awake?" untag ko.
"Yeah..." malalim ang baritono na sagot niya sa'kin.
"Then—"
"You're not getting away from my arms, Pagong," he said.
Napa-tsk lang ako.
"Did you sleep well?" tanong niya sa'kin.
"Oo. Ikaw?"
"Same. I slept well for the first time because you're with me."
Hindi ako kumibo.
"Kumusta si Papa?" Siya uli.
"He's okay... hopefully, getting better. Mino-monitor pa rin siya ng mga doktor."
"Si Zig?" he gently asked.
"I don't know." I swallowed. "Hindi pa uli kami nag-uusap after no'ng kahapon nang madaling-araw. I wanted to check on him but that wouldn't help him move on, so... hindi ako nangangamusta."
BINABASA MO ANG
Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)
ChickLitYou're my inevitable fall. - Hannah Aldea Milano