Amiss
-----Dumaan muna ako sa isang cake shop at bumili ng dalawang cakes bago tumuloy sa ospital. 'Yung isa, caramel na paborito ni Tita Ritz. 'Yung isa pa, 'yung solo cake, chocolate caramel naman.
I remembered JT only ate chocolate caramel whenever we had cake. If he's tired and grumpy, sweets should help his mood.
Ibinilin ko sa isang nurse na ibigay kay JT o kay Harry 'yung cake na para kay JT.
Gaya ng sabi ni Zig, pagdating ko sa kwarto ay nando'n si Tito Tim at Tita Ritz. Humalik ako sa kanila bago lapitan si Zig.
"I'm back."
Ngumiti siya sa'kin. "Thanks."
I saw from his eyes the exhaustion of the day. Ayaw na ayaw ni Zig ang naaantala sa mga ginagawa niya. Mas lalo raw siyang napapagod. He's been at the hospital for four days now, since Saturday. He's out of danger pero gustong maniguro ni Tita Ritz sa kalagayan niya kaya naka-confine pa rin siya.
Ako naman, hinayaan niyang pumasok sa station nang mag-Lunes, pero bumabalik ako sa ospital kapag gabi.
Tomorrow, idi-discharge na siya. Nag-file ako ng leave.
"Kumain na tayo," yaya ni Tita Ritz.
I helped set-up a foldable table for Tita and Tito. Iniayos ko ang bed tray ni Zig. Dalawa rin kami ni Tita na naghanda ng pagkaing dala nila. I saw Tengo Hambre's paperbag and thought of JT. Sana pala, nag-take out na lang ako ng food sa resto ni Tito Ilo para energy food sa ka-busy-han niya.
We ate almost in silence except for the occasional questions for me and Zig.
Before ten in the evening, nakaalis na sina Tito at Tita. Dalawa na lang uli kami ni Zig na naiwan sa kwarto. At humihikab na 'ko sa pagod.
"Gusto mo nang matulog?" tanong ni Zig.
I let out another yawn and nodded. "Maraming ginawa sa station kanina. It doesn't help na nagpapadala ka ng bulaklak. My crew couldn't stop their curiosity."
"Kapag okay na 'ko, ako mismo ang magdadala ng bulaklak sa'yo. At susunduin kita every night. Mas lalo silang maku-curious," aniya at ngumiti.
Sinimangutan ko siya.
Naiinis pa rin ako sa tuwing maaalala ko ang mga ginawa niya sa likod ko. But a part of me also sees that he's true to his words. He's showing me love in all the ways he could think of.
Tuwing umaga, nagigising akong may special breakfast na pina-deliver niya. He said that he doesn't want me to eat the food at the hospital. Nahihirapan na nga raw akong do'n mag-stay, kaya dapat, bawi man lang ako sa pagkain.
He also arranges for my taxi to work. 'Yung taxi lang na pauwi ang hindi niya maiplano dahil iba-iba ang oras ko ng out. Depende sa gana kong magtrabaho.
For two days now, I am welcomed with flowers. At work. He sends me and my crew lunch food. He sends snacks. He checks on me.
Whenever we're together, the way he looks at me is different. There is gentleness and sadness in his eyes. Kapag sinusupla ko ang paglalambing niya, ngingiti lang siya. Kahit ayokong sumagot sa pakikipag-usap niya, nagkukuwento siya.
And he apologizes... whenever he can.
But I couldn't find it in my heart to be happy. Siguro dahil masakit pa ang puso ko sa ilang ulit na pag-iyak. At siguro dahil naninibago pa ako sa mga nakikita ko at ikinikilos niya.
I'm used to the boyfriend Zig who is always cool. Who's never clingy. Who's sweet but not that attached.
This Zig is warm, sweet, and attached.
"Don't just do that out of the blue," sabi ko sa kanya.
"It's not out of the blue. The flowers I sent should be enough preparation."
Nagtama ang mata naming dalawa ni Zig. Masuyo siyang ngumiti sa'kin.
"Come here and sleep," aya niya, tinutukoy ang hospital bed.
"I have the couch, Attorney," sabi ko sa kanya.
Since Saturday, ilang ulit na niyang in-offer ang higaan sa akin. Since Saturday, sa couch ako natutulog.
"Siguradong masakit na ang katawan mo diyan. Come on, Hannah Aldea. Let's share the bed."
Hindi ako kumilos sa pagkakaupo ko sa couch.
"I won't try anything," sabi niya. "Dito ka na matulog sa tabi ko para komportable ka."
Napasulyap ako sa pinto ng silid. "Pa'no kung may pumasok tapos makita tayo? Nakakahiya."
"Igitna mo sa'tin 'yung long pillow. I won't take advantage."
Bumuntonghininga ako. Masakit na ang katawan ko sa ilang gabing pagtulog sa couch. Actually, ang plano ko pag-uwi ng bahay ay gumulong-gulong sa kama ko.
"Okay."
Maingat na umisod sa kalahati ng kama si Zig. Bitbit ko naman ang dalawang unan at isang kumot nang lumapit.
Humiga ako sa kalahati pa ng hihigan. Inilagay ko sa pagitan namin ang long pillow.
"Don't try anything funny or I'll hate you," sabi ko.
"I'll hold back," sabi niya.
Tumagilid ako para hindi kami masyadong masikip. Nakaharap ako kay Zig. Napipikit na 'ko sa pagod.
Bahagya siyang tumagilid paharap sa'kin.
" 'Yung likod mo," paalala ko.
"Okay na," sabi lang niya. "Para hindi masikip."
Hinayaan ko siya.
"Inaantok na talaga 'ko," sabi ko.
"Sleep, hon," bulong niya.
In my half-closed eyes, I could see that Zig's staring at me. Pumikit ako para hindi mailang.
I felt his hand on my head, petting me to sleep.
"Thank you for being with me," bulong niya uli.
Nag-init ang mata ko kahit nakapikit. Zig is gentle.
"I'm sorry I hurt you," patuloy niya.
Sinusubukan kong kumalma pero hindi ko mapigilan ang paminsan-minsang pagkunot ng noo ko.
"I love you, Hannah. I really do..." Bumuntonghininga siya. "I don't want to lose you."
This was the first time I felt him this warm to me. I craved for this for so long and now...
I swallowed.
He continued stroking my hair until I fell asleep.
***
Kinabukasan, bago magtanghali ay na-discharge na si Zig. Sumama ako sa kanya hanggang sa bahay.I helped Manang cooked lunch for us. Then, I learned of something weird.
JT wasn't staying at Zig's house anymore. Sabi ni Zig, sa ospital raw yata pansamantalang nakatira si JT. #0238ma / 10032016
BINABASA MO ANG
Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)
Chick-LitYou're my inevitable fall. - Hannah Aldea Milano