Day 35 : Oblivious

14.1K 565 224
                                    

Oblivious
-----

"Are you okay?" tanong ni JT sa'kin habang kumakain kami.

Nasa Tengo Hambre kami. Kanina ay nakilala ko ang Tito niya na may-ari ng restaurant. Napagkamalan akong girlfriend, na itinama naman niya. Ipinakilala niya akong kaibigan pero hindi girlfriend ni Zig.

Nagtaas ako ng mukha kay JT. I was drawn in his eyes again. Ngumiti siya sa'kin.

I had to look away at that smile.

"Okay lang ako," sagot ko na nakatingin sa table sa kanan ko. Sumulyap ako sandali sa kanya bago magbaba ng tingin sa plato ko at sumubo.

"Pagod ka yata e," sabi niya.

I was paying a lot of attention to my food, but I could still see him smiling in the corner of my eyes.

"Hindi naman. Ikaw?" tanong ko.

"Medyo. Nakatulog naman ako kanina pero nagising ako nang ilang beses."

"Bakit?"

"Don't know."

Natahimik kami.

"You like the food?" untag niya uli.

"Yep."

At natahimik uli kami. He was munching enthusiastically. Nakikita ko rin siyang nangingiti.

"Kasama natin si Harry mamaya sa bar," sabi ni JT.

"Ha?" Nagtaas ako ng mukha sa kanya. Nagtama na naman ang mata namin.

"He needs a drink," simpleng paliwanag niya.

Napabuga ako ng hangin. May makakasama pa pala kaming iba.

"Good!" sabi ko.

Kumunot nang kaunti ang noo niya. "You're acting weird."

Napabuntonghininga ako.

"What changed you on your trip? O aftershock 'yan ng nangyari bago ka umalis?" tanong niya pa.

"Uh... I honestly don't know what's gotten into me lately," sabi ko sa kanya.

"Tell me. Baka ma-diagnose ko."

Naghinang ang mga mata namin.

"I couldn't put it into words," sabi ko. 'Di ko alam kung paano sasabihin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko. I couldn't sort out my feelings into a list nor into something understandable. All I know is that... "Uh... Actually, I'm..."

Hinintay niya ang sasabihin ko.

"I'm afraid to rely on you too much... just to be sane," amin ko. Pinigilan ko na ang sarili kong dila pagkatapos. I shouldn't tell him that I purposely turned my phone off, in fear that I might call him every night. Lately, relying on him gives me guilt.

"Why?" usisa niya.

"I have a feeling that I shouldn't."

"Why?"

Nagkibit-balikat ako.

"We're not doing anything wrong," aniya.

Alam ko 'yun. Alam ko dapat 'yun. Kaya bakit pakiramdam ko... may mali?

"Unless, may iba kang feelings sa'kin," kaswal na sabi niya.

Sumimangot ako. Hindi man lang ba siya naiilang magsabi nang ganito? Gosh!

"O may iba akong feelings sa'yo," dagdag pa niya.

Umangil ako. "Ang tabil mo, dok!"

"Seryoso ako."

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon