Day 21 : Safe

13.3K 602 224
                                    

Safe
-----

"What are we going to drink?" tanong ko kay JT nang nakaupo na kami sa isa sa mga tables sa loob ng Juancho's. Parehas kaming tumitingin sa menu na iniabot sa amin.

"Let's see. May trabaho ka bukas?" tanong niya.

"Nope. It's a Sunday so..." Nagkibit-balikat ako. "Ikaw?"

"Wala. Pero may pupuntahan ako," sagot niya.

Napatango-tango ako.

"Beer na lang?" tanong niya uli.

"Sige."

Tinawag namin ang atensyon ng isa sa mga serbidora. I looked around habang umuorder si JT. Halos wala pang tao sa bar dahil maaga pa.

Juancho's bar and resto is like a pub taken from a cowboy movie. Gawa sa kahoy ang mga mesa. May mga hunting trophies, barrels, baril at wanted posters bilang disenyo. At may frills ang damit ng bawat attendant. For this night, a small stage was set-up for the spoken poetry event.

"Nag-dinner ka na?" untag ni JT sa 'kin.

"Nag-snack. Ikaw?"

"Snack?" Kumunot ang noo niya. Parang hindi nagustuhan ang sagot ko.

"Malakas ako mamulutan, so don't worry. Ikaw? Kumain ka na?" tanong ko.

"Kaunti," sabi niya at luminga rin sa paligid. "What happened to your crew? Bakit hindi sila nakasama?"

Automatic ang pagsimangot ko. "'Ayun. Mga traydor na 'yun. Decided na pala sila  na hindi sila sasama, pinaasa pa 'ko. Sinabi lang nila sa 'kin na may iba silang lakad no'ng pauwi na kami. Kaya 'di ko rin nasabi agad sa'yo."

"Baka ayaw talaga nilang sumama sa'yo no'ng una pa lang. Namilit ka lang," kaswal na sabi niya.

I was taken aback. Ilang sandali na nakatingin lang ako sa masamang bibig na nagsalita.

"Oy, Dok Sungit! Wala pang isang oras tayong magkasama, strike ka na!" reklamo ko.

Mahina siyang tumawa. "Bakit? May sinabi ba 'kong masama?"

"Magbayad ka ng iinumin mo," sabi ko at humalukipkip.

Kontento siyang ngumiti. "Is that all the punishment?"

Inirapan ko siya. "Bayaran mo rin 'yung sa 'kin."

"Sure."

Sumimangot ako. Mahirap pa ring timplahin si Dok Sungit. Pero nitong mga nakaraan, napapansin kong nawiwili siyang mang-alaska sa 'kin.

"Nagsabi talaga sina Deo na sasama sila sa 'kin. Kaso, bigla silang nakakuha ng ticket sa Music Awards for tonight. 'Ayun."

Napa-Ah lang siya.

"Gusto nga nilang sumama na lang ako ro'n kaso ayoko," patuloy ko.

"Why? Mas gusto mo ang spoken poetry?" tanong niya at umayos ng sandal sa upuan niya.

"Yep. Mas gusto ko ang spoken poetry," kumpirma ko. "Ikaw? Do you like poems?"

"Sakto lang," sagot niya. "I have a friend na nagsusulat ng tula."

"Oh? Talaga? Sino? Pakilala mo 'ko!" sabi ko sa kanya.

"Sige. I'll ask her," sabi niya sa 'kin.

Kumurap ako.

"Talaga nga?" ulit ko.

Ngumiti siya. "Talaga nga."

"Make it soon!"

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon