Day 85 : After

12.5K 592 102
                                    

After
-----

Nagising akong masakit ang maseselang parte ng katawan ko habang balot ng kumot. Wala si JT sa tabi ko.

Humikab ako at bumangon. I even checked my blood on the bed. It's really true. JT's my first.

Nagbihis ako ng maluwag na bestida bago sinundan ang amoy ng nilulutong pagkain sa kusina.

Nadatnan kong naghahain si JT ng pagkain sa mesa habang walang suot na pang-itaas. Tinitigan ko ang katawan niya. May bite marks at kalmot siya sa balikat at dibdib. Tumungo ako at napakapit sa tagiliran ng damit ko.

Bakit may gano'n siya? Kailan ko ginawa 'yun? Bakit parang marami?

"Good morning, mahal kong pagong," tukso niya at hinagod ako ng tingin. "Kain na tayo."

I cleared my throat. "Bakit ikaw ang nagluto? Ang aga pa."

Sa tingin ko ay mag-a-alas sais pa lang.

"Inunahan na kitang gumising. Baka takbuhan mo 'ko e. For a turtle, you're fast," sabi niya.

Sinimangutan ko siya. Lumapit naman siya sa'kin at niyakap ako. Hinalikan niya 'ko sa sentido.

"How do you feel? May masakit sa'yo? Kailangan mo ng doktor?" Ngumiti siya nang malaki nang banggitin niya ang propesyon niya.

"Medyo sore. Pero kaya naman."

"Then, kain na tayo?" aniya.

Tumango ako.

Kinuha niya ang kamisetang nakasampay sa isa sa mga upuan at isinuot. Naupo kami sa magkatabing upuan.

May mainit na kanin, sweet lechon, ham, at itlog sa mesa. May kape na rin.

"Puro processed food ang nasa ref. Pa'no ka kumain no'ng nagtago ka?" kaswal na sabi niya nang magsimula kaming kumain.

"Wala naman akong gana kasi. Kaya processed food lang ang naka-stock at instant noodles para madaling lutuin. Kapag nagsawa ako, may fastfood sa malapit."

Kumunot ang noo niya. "You should eat real food kahit wala kang gana."

Tumango lang ako.

"Babalik na tayo mamaya sa Manila?" untag niya.

The truth is, I wanted to stay a little more in Cebu. Pwedeng dito muna kami, malayo sa gulo. Pero siguradong masasagasaan ko ang schedule niya sa ospital. At dahil kasama ko siya, may lakas na ako ng loob na bumalik.

"Yes. Magpapaalam lang ako kay Dette. Tapos, magliligpit nitong bahay niya."

Ngumiti siya. "Ang tapang na ng pagong ko a."

Inirapan ko siya bago ngitian.

"Tumawag ka rin kina Papa na pauwi na tayo. Para hindi na sila mag-alala," sabi pa niya.

"I will. Tawagan na rin natin si Lolo."

"Yeah."

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.

Napatigil ako sa pagkain at tumingin sa kanya.

"Thank you for not giving me up," sabi ko.

"You're not someone I can give up, Hannah. I told you, you're supposed to be mine."

Tumango ako at ngumiti. From now on, no one could ever convince me otherwise.

"I'm yours." #0519h / 11012016

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon