Day 47 : Indirectly

12.2K 602 156
                                    

Indirectly
-----

A little after eight, tapos na kaming kumain. Nakasalampak na kami ni JT sa carpeted na sahig sa living room, habang nakasandal sa leather couch. Nakalatag sa glass table ang cake, tuna flakes, spicy squid, chicharon, at beer na iinumin.

"Hindi ka pa talaga uuwi?" untag ni JT.

Umiling ako.

"Maaga pa. At may beer." Kinuha ko ang isang canned beer at binuksan. Inabot ko sa kanya bago ako kumuha ng akin. "Saka kakahihip mo pa lang ng kandila sa birthday cake. I really want to eat that cake."

Nailing siya. Isinalpok ko ang lata ng beer sa inumin niya.

"Bakit? Gusto ko talagang kainin 'yung cake," katwiran ko.

"Yeah. It looks good," sabi niya.

Kinuha ko ang isang tinidor at iniabot sa kanya. "Dig in."

Kumayod siya sa bilugang cake at inilapit sa labi ko. "Take the first bite."

Tinanggap ko ang isinusubo niya. "It's really good."

He took a bite. "Yeah."

"Chocolate caramel ang kinakain mo, right?" untag ko. "O mali ako?"

Napatingin siya sa'kin. "Why?"

"Sa ilang ulit na nagkape tayo, laging chocolate caramel ang kinakain natin e," dagdag ko.

"Dahil laging ito rin ang gusto mong kainin," sabi niya.

Natigilan ako. "So... hindi ito ang favorite mo?"

" 'Yan ba favorite mo?" tanong niya.

Tumango ako.

"Then, favorite ko na rin 'to," he said smiling.

"Ano nga'ng favorite mo?"

"Chocolate caramel nga, Hamon."

Inirapan ko siya. Ilang ulit na kaming nag-usap ng lalaking ito pero hindi ko pa rin siya matimpla. Sometimes, our conversations are smooth. And sometimes, it felt like a guessing game.

I wonder how many things we are keeping off each other.

Uminom kami sa lata ng beer. I really missed to be near him this way. Kumakalma ako. Pakiramdam ko, umaayos din ang linya ng pag-iisip ko.

I saw him staring.

"Why? Ang ganda ko?" biro ko sa kanya.

He reached my cheeks with his fingertips. "Pumayat ka."

"Napuyat ako," sabi ko sa mahinang boses. I could feel the warmth of his fingertips on my skin.

We stared at each other, unable to pull away. At kapag ganito kami, parang may sikretong pag-uusap sa pagitan namin.

Halos sabay kaming nagbawi ng mata sa isa't isa. Uminom siya ng beer. Tumungo ako.

"Are you having a hard time?" he asked. "With Zig?"

Bumuntonghininga ako. "Not really..."

Pumarada ang katahimikan. We got into our second can of beer.

"He's really paying attention to me these days," kwento ko.

"Good."

"Nanliligaw siya ulit."

"Hm."

"He gives me flowers. He arranges for breakfast. He arranges my rides. He's gentle and warm." I paused. "And I'm not used to it."

Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon