Slip of the tongue
-----"How did you find me?" tanong ko kay JT nang maupo sa passenger seat. Nag-seatbelt ako.
Nagsimula naman siyang magmaniobra ng sasakyan. "I was driving when I saw a girl staring into space. You really like space when you're alone?"
Babahagya akong umirap. It might have been true. Natutulala ako kapag mag-isa lang ako. Ni hindi ko nga namamalayan kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko.
"How's your day? Aside from what you told me?" usisa niya.
"Wala. Naglakad-lakad lang ako. Nanood ng sine," sagot ko. "Naihatid mo na si Jenessy?"
"Yeah. Unless you still see her in my car right now," sabi niya at malapad na ngumiti.
"'Yan, sige, mag-antipatiko ka. It's been a while."
"Talaga? I'll make sure to do it often from now on."
Ngumiti lang ako. Sandaling namagitan ang katahimikan sa amin hanggang sa isang intersection. Red lights. The countdown was slowly ticking from ninety-nine.
Luminga sa 'kin si JT. Bumaling naman ako sa kanya.
"Why?" tanong ko.
He seemed to be studying my face in the soft lights of his car.
"Bakit?" ulit ko. Napapakurap na. It was hard to continue staring at him.
Ngumiti siya nang bahagya at ibinalik ang tingin niya sa harap ng sasakyan.
"You didn't cry today," sabi niya.
"Ah..." So, he was looking at my eyes? To check if I did cry? Ngumiti ako at tumanaw sa bintana sa tabi ko. "Yep. I didn't cry today."
"Better. Ayoko sa mga pasyenteng hindi sumusunod sa prescription ng doktor. A patient has to trust the doctor. If not totally, at least, the prescriptions."
"Matigas ang ulo ko pero alam ko kung kailan susunod, dok," sabi ko sa kanya. "I'm taking your prescriptions well."
Umandar uli ang kotse.
"Uh... Kumusta 'yung pinuntahan mo? Okay naman? Kahit na-late ka?" tanong ko.
"I really couldn't tell," aniya.
I stopped myself from asking more questions. He might be tired from last night and from being out all day. Kawawa naman siya kung kukulitin ko pa.
Tahimik lang kami hanggang sa malapit na kami sa apartment building na tinitirhan ko at bumagal ang pagpapaandar niya sa kotse.
"Damn," bulong niya nang pahintuin ang sasakyan. Humigpit ang hawak niya sa manibela.
Napabaling ako kay JT. He was looking intently outside. Parang hindi niya alam na nagbitaw siya ng salita. Tumingin ako sa harap ng kotse kung saan nakapako ang mata niya.
May nakaparadang asul na kotse sa harapan ng building. Zig's.
"Zig's here," sabi ko lang.
"Yeah. Mukhang hinihintay ka," sabi niya. Hindi nakatingin sa 'kin.
Bumuntong-hininga ako. Probably, nasa harap ng pinto ng unit ko si Zig. Probably, may dalang bulaklak.
I sighed again.
"Ano'ng gagawin ko?" tanong ko kay JT. "I don't want to talk to him tonight."
"Then, we go," aniya at binuhay uli ang makina ng sasakyan. "Coffee or beer?"
BINABASA MO ANG
Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)
ChickLitYou're my inevitable fall. - Hannah Aldea Milano