Trigger
-----I honestly don't know what I'm doing at the hospital. Nagsabi na 'ko kay JT na hindi ako pupunta dahil sa isang biglaang pangyayari—na wala naman talaga. The moment I sent him my lies that made him worried, I regretted ever lying.
He's making it hard for me to lie. But he's also making it hard for me to be casual.
Hindi ko alam kung bakit ako umiiwas o kung ano'ng iniiwasan ko. It's just hard to be near him after what I overheard on the car.
I like what we have and he is precious to me as a friend. Ayoko ng complication sa kanya o sa akin.
But it really felt bad that he was alone when I could've kept him company.
Sumilip ako sa kwadradong salamin sa pinto ng private ward kung nasaan ang daddy ni JT.
I saw a glimpse of JT. Nakaunat siya sa mahabang couch. Parang natutulog. Nasa sahig ang nalaglag na blanket.
It was eight in the evening. I won't stay long. Dadaan lang ako at sasamahan si JT... para mabawi ang pagsisinungaling ko. He doesn't deserve being lied to.
I pushed the door open. Marahan para hindi siya magising. Maingat din ang paghakbang ko nang lumapit.
Pinagmasdan ko muna ang daddy niya na nasa hospital bed. The old man is a looker. Medyo payat. May nakakabit na respirator. May catheter. May ilang aparato na hindi ko alam kung para saan.
Sumulyap ako sa natutulog na si JT. He's breathing deeply. Nakahalukipkip habang nakaunat sa couch ang magkapatong na paa.
Nang aksidenteng mabaling ang mata ko sa mesa sa tabi ng hospital bed, nakita kong nando'n pa ang balot ng pagkain na ipina-deliver ko. Lumapit ako at ininspeksyon iyon. Hindi nagalaw ang pagkain.
Sumimangot ako. Hindi ba siya nananghalian?
Ibinaba ko sa sahig sa tabi ng mesa ang hawak kong plastic bag ng takeout dinner. Nagtatalo ang isip ko kung gigisingin si JT para kumain o hahayaan siyang matulog. In the end, I thought he needed rest more than food.
Maingat ang kilos na pinulot ko ang kumot sa sahig at dahan-dahang ikinumot sa kanya. Nakadukwang ako at itinatakip ang kumot sa braso niya nang mapatitig ako.
Mukha siyang pagod habang nakapikit. Nangungunot minsan ang makapal na kilay. Nang kumibot ang labi niya, napalunok ako.
Tutuwid na sana ako ng tayo nang hawakan niya ang pulsuhan ko at magmulat siya.
Nagtama ang mata namin. Ilang sandali na hindi ako nakakibo. Wala rin siyang sinabi.
He just stared at me. Kinikilala siguro ako.
"Hi..." bulong ko sa kanya. "I'm dropping by."
Nangiti siya. I wanted to look away from that bewitching smile but I couldn't. He trapped my eyes.
"You're here..." may antok pa sa boses na sabi niya. Napipikit.
"Yes."
"Let me sleep a little more."
"Yes."
Gosh. Puro lang ako yes.
Humugong lang siya at pumikit. Mukhang antok na antok pa siya. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa kanya pero hinigit niya 'ko. I landed in his chest. At bago pa ako makapiksi, yumakap ang braso niya sa'kin.
"Don't move. Don't make it hard on me," bulong niya sa antok na boses.
Nakatukod ang kamay ko sa backrest ng couch at pa-squat akong nakadukwang habang yakap niya. Pero hindi iyon ang mahirap sa sitwasyon. Ang pinakamahirap, naririnig kong kumakalabog ang puso ko. Pabilis nang pabilis habang nararamdaman ko ang init ng katawan ni Jeric. Palakas nang palakas habang nagsusumiksik sa isip ko na yakap niya ako. Patagal nang patagal habang nalulusaw ako sa reyalisasyon na gusto ko ang mayakap niya.
Nakiramdam ako pero parang tulog siya. Nagsimula akong matakot. Baka magising siya sa eskandalo ng heartbeat ko.
I held my breath. Naliliyo ako sa tibok ng puso ko kaya pumikit ako nang mariin.
Ilang sandali lang, lumuwag ang braso ni JT na nagkukulong sa'kin. I took the chance and stepped back.
I immediately checked his face. Mabigat siyang humihinga. Nakapikit. Tulog nga.
Tulog lang. Tulog na tulog.
Napaupo ako sa sahig sa tagiliran ng couch. Nanghihina.
Pinakiramdaman ko ang dibdib ko. Maingay pa rin sa pagwawala ang puso ko. I need a few minutes to calm down.
Sumulyap ako kay JT at nakita kong kumibot lang nang kaunti ang labi niya.
Oh, God... What's happening to me? What's he doing to me?
When I calmed down, I got up and went home. # 0135ma / 09222016
BINABASA MO ANG
Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)
Chick-LitYou're my inevitable fall. - Hannah Aldea Milano