JT
-----Alas siete ng gabi nang huminto ang taxi sa tapat ng ancestral house ng mga Marquez. Mabilis akong bumaba ng sasakyan at patakbong lumapit sa gate para mag-doorbell.
Zig will be home anytime soon. 08:30 pa ang usapan naming mag-meet, pero sumadya ako sa bahay niya para sorpresa siyang sunduin. Ang huling message niya sa 'kin ay ten minutes ago lang. Nasa EDSA na raw siya.
He was coming from Batangas area. Isang linggo siyang nag-stay roon para sa isang kliyenteng hawak niya. Zig's a lawyer with high profile clients. Nakasunod sa abogasya na kinalakhan sa linya ni Mommy Ritz. Si Daddy Tim naman ay medisina ang linya.
Ilang minuto rin akong nag-doorbell bago may magbukas ng maliit na pinto ng tarangkahan.
"Hi, Manang Cho —"
Natigilan ako nang mapansing hindi pamilyar ang mukha ng bumungad. Si Manang Choleng na matagal nang katiwala ang inaasahan ko.
The guy who opened the gate doesn't look like a new househelp. He has a snobbish and authoritative aura. Walang kangiti-ngiti habang nakatingin sa 'kin. Parang annoyed pa nga base sa bahagyang kunot ng noo.
"Uh... Hi," sabi ko sa kanya. Kumaway pa 'ko ng kaunti.
Niluwangan niya ang bukas ng pinto para sa 'kin. Humakbang ako papasok. Wala pa ring imik ang lalaki nang sarhan ang pinto. Pagkatapos, sumulyap lang siya saglit sa 'kin, namulsa at tumalikod na papasok sa bahay.
Nakasunod ako ng tingin.
The guy's some inches taller than me. Malapad ang balikat na bakas sa kamisetang suot na nakarolyo pa ang manggas. Mukhang nagwo-work out dahil sa tikas ng katawan. Or maybe he's just naturally lean. Tahimik kumilos at maglakad.
Base sa silent treatment at sa hindi nakabalik na 'Hi' ko, mukhang may topak din.
"Aren't you going in?" tanong ng isang malalim na tinig.
Nag-angat ako ng mukha sa lalaking may topak. Nakatayo siya sa bukas na pinto ng bahay.
"Papasok," sabi ko. "Uh... Sila Manang? Nandiyan din ba sa loob?"
Namatay sa hangin ang tanong ko nang tumalikod lang ang lalaki.
Sakto paghakbang ko ng pinto ay sumalubong si Manang Choleng.
"Hannah?" anito. Mabilog ang matandang babae na pinarisan ng matinis na boses.
"Manang! Kumusta po?" bati ko, habang pasimpleng nagchi-check kung nasa'n na ang lalaking may topak.
Nakita ko siyang nakatayo sa may bintana sa living room, may kausap sa cellphone habang nakapamaywang.
"Nakilala mo na si Jiti?" tanong ni Manang Choleng nang sundan ang tinitingnan ko.
"Po?" Jiti ba ang pangalan ng lalaking may topak?
"JT, Manang," salo ng isang boses na pamilyar.
"Zig," sabi ni Manang, "narito ka na pala."
Napasinghap ako ng hininga bago lumingon sa pinto.
Nakangiti si Zig sa 'kin habang hawak ang isang pumpon ng samu't saring bulaklak.
"Hon!" tawag ko.
Lumakad siya palapit.
"Hi, Producer Milano. I didn't know you'd be here. Are you looking for someone?" tanong niya at ibinuka ang mga braso niya sa 'kin.
Patakbo akong lumapit at patalong yumakap sa kanya. I breathed in his cologne and exhaled softly.
"I miss you..." bulong ko.
Bahagyang humigpit ang yakap niya sa 'kin bago ako bitawan.
Sinapo ni Zig ang mukha ko sa kanang palad niya at tinitigan ako. "I miss you, too."
I pressed my cheek in the warmth of his palm. I almost sighed. Just last week, parang ang lamig-lamig niya sa 'kin. It was nice to feel him warm again.
Inayos niya ang ilang hibla ng buhok ko na kumawala sa ponytail bago ako tuluyang bitawan.
"Flowers," aniya.
Kinuha ko sa kanya ang bouquet bago kumapit sa braso niya. Nagbilin naman siya kay Manang na kunin sa kotse niya ang mga pasalubong daw na minatamis.
"Are you hungry?" baling sa 'kin ni Zig. "I'm treating tonight, as promised. Magpapalit lang ako ng damit."
Umiling ako. "Not that hungry. But I will be spoiled dahil ang tagal mong wala. Oorder ako ng mahal."
Tumawa lang siya bago ako akbayan at igiya sa living room kung saan may kausap pa rin ang lalaking may topak.
"You've met JT?" tanong ni Zig nang nakatayo na kami sa tapat ng couch.
Tumagilid si JT at sumenyas kay Zig na maghintay. We could hear him talk.
"Tell her I'll be there soon to calm her down. Wala diyan si Harry?" tanong nito sa kausap sa telepono. "Okay. I'll be there later." Ibinaba nito ang cellphone at humarap sa amin.
JT's expression was no better than when he opened the gate for me.
"You're back," sabi lang nito kay Zig.
"Yup. Anyway, I want you to meet my Hannah," sabi ni Zig bago humigpit nang bahagya ang akbay sa 'kin.
Bumaba sa akin ang mata ni JT. At wala akong mabasa sa mukha nito.
If this scene's a tv show, the guy looking at me would be Korean, Japanese or an extra-terrestrial — anything na kailangan ng voice-over narration na may english translation para maintindihan.
"Hannah, this is my cousin JT. He's a doctor. He's temporarily staying here with me," ani Zig.
Nagkusa akong iabot ang kanang kamay ko sa lalaking may topak. "Hannah Milano. Nice to meet you," sabi ko.
Inabot nito ang kamay ko. "Jeric Teodoro. Nice meeting you," malamig na sabi nito, isang beses na pinisil ang kamay ko at binitawan.
"Bakit hindi ko siya nakikita sa mga reunion?" mahinang tanong ko nang ibalik ang kamay ko sa baywang ni Zig.
"Ah. Bukod sa mahilig mang-indian ng reunion 'to, pinsan ko siya kay Auntie Mary. Mas malapit siya sa side ng Teodoro kaysa Marquez," parang nanunuksong sabi ni Zig.
"Sa Lastimosa ako malapit, dude," sabi ni JT at tumagilid. "Got to go to the hospital."
Tumango lang si Zig. "Sige, doc."
"Ingat, doc!" sabi ko kay JT.
Bahagyang napahinto si JT sa boses ko bago nagtuloy-tuloy papasok sa kabahayan.
"Is he really a doctor?" bulong ko kay Zig nang wala na ang pinsan niya. "Parang masungit..? Madamot ngumiti. Kawawa ang mga pasyente."
Tahimik lang na natawa si Zig sa 'kin. "Tahimik lang talaga 'yun kahit dati pa. Lumala lang ngayong laging puyat. Panggabi yata siya lagi sa hospital."
Lumabi lang ako at yumakap sa kanya.
"I'll change clothes. Then, we'll go. Where do you want to wait?" tanong sa 'kin ni Zig.
Umirap ako. "If you're inviting me to your room, no. Baka kung saan tayo mapunta. I want to eat good, super expensive food."
Umiling si Zig at magaan akong hinalikan sa labi.
"How sure are you that you're safe in the car?" aniya at kumindat.
"Bastos!" natatawang sabi ko at hinampas siya nang mahina sa braso.
Nakangisi lang si Zig. "I won't be long."
Tumango lang ako at pinanood siyang magtungo sa kwarto niya.
How could two people be cousins without a trace of similarity? Ipinagkibit-balikat ko na lang. #0250ma / 06182016
BINABASA MO ANG
Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)
Literatura FemininaYou're my inevitable fall. - Hannah Aldea Milano