Gentle
-----Hindi ko hinayaang makalapit sa'kin si Zig habang naghihintay kami kay JT. Ayoko nang makita niya 'kong umiyak dahil sa kanya. Nanatili akong nakaupo sa table namin. Nasa tagiliran naman siya at nakabantay.
Paminsan-minsan ay pinipigilan niya 'ko kapag umiinom ako ng alak sa bote, pero hindi ko siya pinakikinggan. Sumusubsob ako sa mesa kapag nahihilo ako. Nakakaidlip ako minsan. Nagkukunwaring umiidlip minsan.
I was faking my sleep when I heard JT's arrival.
"Make sure she gets home. Kailangan din niyang makatulog. May shoot siya bukas," sabi ni Zig.
A dull pain throb in my chest. Zig's voice sounded too sad and sorry. I pressed my lips to restrain myself from calling out to him.
"Yeah," dinig kong sabi ni JT.
"I..."
Matagal nawalan ng salita sa pagitan nila.
"I entrust her to you," sabi ni Zig.
Ilang sandaling wala akong narinig na sagot, hanggang-
"You're going to lose her, man."
"What did you say?" May distaste akong narinig sa boses ni Zig.
"Go home. I got this," balewalang sagot ni JT.
A few seconds ticked away bago ko maramdaman ang paglapit ni JT.
"Are you really sleeping?" tanong niya.
Nagtama ang mga mata namin nang mag-angat ako ng mukha sa kanya. He was looking intently at me. I couldn't decipher the code in his face.
"Let's go home," sabi niya. Inalalayan niya akong umalis sa upuan ko at inakbayan ako para igiya sa paglakad.
"I'm not that drunk," sabi ko sa kanya. "I can walk just fine."
"Oh, really?" aniya at binitawan ako.
Sinubukan kong humakbang mag-isa para lang hilahin ng sahig. Nasalo na uli ako ni JT sa braso niya bago ako tuluyang masubsob.
"Tell me again that you're not drunk."
Hindi na 'ko kumibo. Paakbay niya akong hinigit sa katawan niya hanggang sa makalabas kami sa bar. Tumuloy kami sa kotse kung saan idineposito niya ako sa passenger seat.
Pero nang nasa manibela na siya, sa halip na paandarin ang sasakyan ay tumitig lang siya sa unahan namin. Parang may iniisip. Napipikit naman ako sa pagod at antok.
"Why?" Inayos ko ang ulo ko sa headrest ng upuan at kumiling sa kanya. Pinilit kong manatiling nakamulat. "What do you want to ask me?"
Matagal siyang tumingin sa'kin bago bumuntonghininga.
"You're not okay," deklara niya.
Lumunok ako. Naghinang ang mata namin.
"Does it hurt a lot?" mababa ang tono na tanong niya habang nakatitig.
Does it hurt? Kung wala na 'kong maramdaman sa dibdib ko, pwede ko pa bang sabihing masakit? Kung pakiramdam ko, wala na 'kong maiiiyak pa, masakit pa ba 'yun?
Inabot niya ang pisngi ko at marahang hinaplos.
"You will be okay," aniya.
Lumunok uli ako. But this time, I haven't swallowed enough to restrain my tears from falling. Tumulo ang mainit na luha sa tagiliran ng mukha ko.
Why is it so easy for me to cry with him.
"I'm afraid... that even with the chance I'm willing to give Zig"-sumigok ako-"that it's over." Nanginig ang labi ko sa pagluha. "My feelings... and his feelings... are changing. I can feel the distance between us. I'm afraid... this is the final phase of letting go..."
BINABASA MO ANG
Fallback Girl : Days to Fall (Chat MD Series #3)
ChickLitYou're my inevitable fall. - Hannah Aldea Milano