FB Group:
https://www.facebook.com/groups/988909977889463/
FB Account:
https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818
Thank You po sa Reads Votes and Comments
*****************
Sumugod ako sa maraming Tao at hinanap si Aileen. Pero hindi ko siya makita. Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi na niya ako sinasagot ko. Napatingin ako sa Direksyon kung saan may mga Vip Rooms. Madali akong lumusot sa Gwardiya. Sinilip ko ang bawat Room. Hindi ko inaasahan na maikita ko si Aileen sa isa sa mga Room dito.
Meron itong kasamang mga babae na ang iikli ng mga saplot sa katawan. I saw here with a man. Nakita ko pa ang paghawak ng lalake sa hita niya. Walang pake akong naglakad palapit sa kanya
"Get Off her." mariing sabi ko sa lalake pero parang wala siyang naririnig at tuloy parin sa pakikipag inuman sa lasing na si Aileen
"Sino ka ba ha. Umalis ka nga! Guard!" Sabi naman nung isa. Hinila ko patayo si Aileen. Napasandal naman ito. Parang mawawalan na siya ng malay ano mang oras ngayon
"Bitawan mo siya!" Maagap kong sinalo sa kamay ko ang kamao ng lalakeng susuntok sana sa akin. Buong lakas kong binali ang kamay niya hanggang sa mapangalumbaba siya. Nakita ko ang paglaki ang mata ng ibang tao sa room. Hindi sila naimik at nakatitig lang sa amin.
Binuhat ko si Aileen palabas ng Bar. Binuksan ko ang Kotse at duon ko siya pinaupo
"Aileen. Gising. Aileen" Tinapik tapik ko ang pisngi niya. Hirap siyang nagmulat ng mga mata niya at tumingin sa akin. She smiled as she cupped my cheeks and went down to kiss me. It wass a sudden kiss and I had no Idea that she would do that.
"I Love You Jacob.." Ngayon ay mulat na mulat na siya. Nakatingin siya sa akin pero hindi ko siya matignan ng maigi
"Get yourself together Aileen. Hindi ikaw to. Hindi ikaw si Aileen na nakilala ko. Please? Stop making me worry about you."
"Admit it." Nilubayan niya ang pisngi ko at tuluyan siyang naging seryoso
"Aileen-"
"Admit it, You still love me. Mahal mo pa ako!" Bigla na lang niya akong kwinelyohan at parang nagwalang bata. Nakita ko ang paglandas ng mga luha niya sa mga mata niya.
"Alam mong hindi ko ginusto ko ang pakikipaghiwalay ko sayo. Alam mong kinailangan ko lang gawin yun para sayo. Pero sirang sira na ang buhay ko Jacob at kung ikaw pa ang aalis sa buhay ko wala nang matitira sakin. Mas mabuti pang magpakamatay na lang ako." Bigla siyang tumayo at pinilit akong alisin sa harapan niya pero dahil mas malakas ako hinawakan ko ang dalawang kamay niya at sapilitan ko siyang pinaupo
BINABASA MO ANG
Found And Married (Mafias Series # 3) - RAW/UNEDITED
RomanceREAD AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Rian ran away from home. Magulo ang buhay na kinagisnan nito. One day she thought of running away and living alone by herself. Sa kalagitnaan ng paghihirap nito ay natagpuan siya ng isang my...