Isang araw matapos ang Libing ni Janice ay bumalik na kami sa Catuguing. Naging Abala din si Jake ngayon dahil marami siyang hindi inaayos sa sakahan. Halos nandun na kasi kami ng ilang araw at hindi na masyado nakauwi rito.
"Ma'am Rian!" Nagulat ako nang bigla akong tinawag ni Aling Rebeka. Lumapit ako sa kanila. "Wow ang dami niyo namang niluluto." Sabi ko habang namamanghang nakamasid sa mga nagluluto. Ang laki ng lutuan. Tulong tulong sila sa pagluluto at paghihiwa ng mga rikado. Sa hindi naman gaano kalayuan ay nakita ko ang kalalakihan na nagkakatay ng Baka.
"Para po mamayang Gabi. Simula na po kasi ng Pyesta dito sa Bayan. Magpaparada ang Mga basketball players ng Catuguing. Magpapakain daw po si Sir Jake." Nakangiting sabi naman nito.
Grabe. Kung magpapakain siya kailangan pa talagang kumatay ng hayop? Sabagay.. Buong Catuguing ang papakainin ni Jake.
Parang pamilya na rin kasi ang turing ng mag ama sa mga Tao dito.
Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti. I just suddenly love living here. Too Bad. Malapit nang matapos ang Leave ko at babalik na din kami sa Maynila.
Naagaw ng atensyon ko ang Radyo. Bigla kasing nilakasan ng isang dalaga. "Idol mo yan? Si Taylor Swift?" Sabi ko sa kanya nang tumingin siya sa akin "Opo. Gustong gusto ko po itong Blank Space na kanta niya." Sagot naman nito at tila sinabayan pa ang kanta.
"Oh My God. Who is He, I got drunk of Jelousy."
Nagulat ako nang biglang may dumaan sa likod ko at kumanta pa. Tinignan ko siya. May dala dala siyang planggana at nilapag mesa kung saan naghihiwa sila Aling Rebeka.
"Oh Bakit?" Tanong nito nang makaupo siya sa kahoy na pahabang upuan kung saan nakaupo ang ibang naghihiwa mga rikado. "Para kang Kapitana jan. " Nakangising sabi naman nito habang nagsimula siyang naghiwa ng mga karne ng baboy na nasa planggana kanina.
I was staring at him. Mukhang kanina pa siya galaw ng galaw. Pinagpapawisan pa at medyo magulo na ang buhok. But still Jake is looking good. Napatingin ako sa braso niya. Parang ngayon ko lang napansin amg Tattoo niyang parang compass.
"Tikman mo to." Sabi niya sakin. Natigil ako sa pagiisip at lumapit sa kanya. "Ano yan?" Tanong ko sa kanya nang makita ko ang hinihiwa niyang parang tipak ng bato. Pero Karne naman. Mukhamg matigas at naiprito.
"Bagnet. Pinakamasarap ang Bagnet ng Ilocos. Dimo ba alam?" Saad naman nito. Umiling iling naman ako at patuloy ko siyang pinanuod sa paghihiwa
"Oh" Napatingin ako sa kanya nang bigla niyang itinapat ang bagnet sa bibig ko. Napatingin ako sa mga kasamahan namimg nakangiti "Akin na" mahinang saad ko nang tangkahin kong kunin mula sa kanya ang Bagnet
"Mamantika to. Madudumihan yang kamay mo. Subo mo na lang. Say ahhh" Parang namula ang mga pisngi ko dun!
Wala naman akong choice kundi sinubo ko nalang. Parang naglaro ang lutong ng karne at kakaibang sarap niya. Namilog ang mata kong napatingin jay Jake habang nakangiti naman itong nanunuod sa akin
"Masarap?" Tanong nito. Galak naman akong tumango. So ito pala ang Bagnet. Ang Native naman ng lasa. Ang lutong at ang sarap
"Parang gusto ko nang kumain." Napatingin ako sa planggana ng Bagnet
"Kumain na po kayo ma'am, May paksiw pa duon. Masarap talaga magluto ang mga taga Catuguing!" Sabi naman ni Aling Maria
"Oo nga po eh. Pakiramdam ko nananaba na naman ako. Ang sarap niyo po kasing magluto." Sabi ko naman sa kanila
"Was that when you're 18?" Napatingin ako kay Jake na biglang nagsalita. Nakakunot ang mga noo nito na parang nagiisip
"Anong 18?"
BINABASA MO ANG
Found And Married (Mafias Series # 3) - RAW/UNEDITED
RomansaREAD AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Rian ran away from home. Magulo ang buhay na kinagisnan nito. One day she thought of running away and living alone by herself. Sa kalagitnaan ng paghihirap nito ay natagpuan siya ng isang my...