Chapter Eight: Away From Everything

112K 1.8K 65
                                    


FB Group:

https://www.facebook.com/groups/988909977889463/

FB Account:

https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818

Thank You po sa Reads Votes and Comments

Para kay Mommy ang UD na ito hahaha ito na nag song request mo

*************


Nakatingala ako rito sa Harapan ng isang malaking Arko.

Welcome to Catuguing

May mga Bahay sa Bungad nito. Nakikita ko rin mula rito ang Sakahan na pagkalawak lawak.

"Dito ako lumaki." Napansin ko ang paglapit ni Jake sa akin. "Eh ano pa ang ginagawa natin Tara na" Napatiuna ako sa paglalakad pero hinigit niya ang kamay ko

"May susundo sa atin. Malayo kung maglalakad tayo May mga Bagahe pa tayo." Sabi naman nito. Hindi nalang ako umimik at tumayo nalang sa tabi niya. Ang lakas ng Hangin. Nalilipag lipad tuloy ang Buhok ko.

"Oh" Untag sa akin ni Jake tinignan ko ito may iniabot siyang Rubber banda sa akin habang ngumunguya ng bubble gum. Kinuha ko lang ito at ginamit ko pantali ng Buhok ko.


Ilang minuto rin kami naghintay ni Jake sa sumundo sa amin. May SUV na sumundo sa amin s apagkakaalam ko ay Pagaari ng Hacienda iyon kasi may Tatak naman. Nasa Harap si Jake at naiwan ako sa harap na walang kausap. Pero nakatingin ako sa bintana. Maganda ang Tanawin. Ang kabilang sakahan ay Palay sa kabila naman ay Mais. May mga nakikita ako nagsasaka. Ang Init pero ang tyaga nilang mag saka.

"Kumusta po ang Catuguing Ma'am Napintas ba?" Bigla akong kinausap nung Driver. Nilingon niya ako pero nalito ako sa huling salita na sinabi niya

"Okay naman siya. Ano ang Napintas?" Tanong ko rito. Narinig ko ang Pagtawa ni Jake mula sa harapan

"Parang Ikaw. " Narinig kong sabi ni Jake. Naguguluhan ako kanina pa sila naguusap ng mga lengwaheng hindi ko naman maintindihan


Ilang minuto lang naman ang itinagal namin bago narating ang Mansyon nila Jake. Oo mansyon ito siguro kasi ang Laki ng Bahay. Pagka baba ko ay namangha ako sa Ganda ng paligid. Sa Gilid ay Bakanteng Lupa pero parte parin ng Mansyon nila Jake May Ilang Kubo rito. At ang presko ng Hangin

"Maganda Umaga Ser Jake!" May Dalawang Ale na lumapit kay Jake. Nagulat ako nang yakapin ni Jake ang mga ito na parang totoong Nanay

"Apo Naglapsatan nga Balasang!" Nakita kong sa akin nakatingin yung Ale kasi lumingon naman ako sa likoran ko wala naman akong Makita iba Kaya mukhang sa akin niya sinasabi ang mga Alien Words niya

"Wen! Nakapinpintas!" Sabi din nung Isang Ale. Malapit na talaga akong Mainis wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila.

"Ah, Ito po ang Asawa ko. Si Rian Doctor po siya. Rian ito ang si Aleng Marie at Aleng Rebeka" Luapit si Jake sa akin at hinawakan ang kamay ko Inilapit niya ako sa kanila

Para akong nakaramdam ng pagmamalaki mula kay Jacob nang ipinakilala niya akong Asawa at sinabi niyang Isa akong Doctor. Maybe that is one thing that I liked from Jacob. Hindi niya itinanggi na Asawa niya ako.

"Magandang Araw po Ma'am Rian. Naku ang kinis kinis po ng Kutis ninyo" Sabi ni Aleng Marie.

"Salamat po!" Mejo nahihiya kong sabi.

Found And Married (Mafias Series # 3) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon