Rian's POVNang makababa ako mula sa hagdanan ay nakita ko si Jake sa ibaba na tumutulong sa pagluluto.
Bilang welcome party sa akin at kakatay sila ng apat na baboy at ilang mga native na manok. Hindi ko na alam ang ibang putahe dahil sila Mang Erning ang nagaasikaso nito.
I figured out Jake would come here. And also, I didn't came here unarmed. I talked to Dad about this. His advise was to take Jake by force.
Alam ko namang mahihirapan akong pabalikin ang asawa ko.
Pero nainis talaga ako nang makita ko nga siya dito. Dahil ilang araw akong nag aalala. Tapos nandito lang naman siya.
"Ayun Mang Erning, walang ginagawa si Jake. Utusan mo"
Narinig ko kase bigla si Mang Erning na nagtatanong kung sino ang pwede niyang kasama para kuhanin ang bigas na lulutuin mamaya sa pagawaan.
At saktong nakita ko naman si Jake na kakaupo lamang niya
**Flashback**
Kanina pa kami magkasama ni Jake dito sa sala. Pero napansin kong nakatingin lang siya ibang direksyon. I crossed my legs in front of him. Pinagmasdan ko siyang maigi. Tila wala paring balak itong kausapin ako.
"Ganyan ka ba talaga sa bagong owner ng sakahan?"
"I respect you as the owner. I wish you luck." He said. Parang pilit pa itong ngumiti
"If you... come back then you can have it back"
Ayan na! My Golden Plan is working! Kumagat ka na Jake. Luging Lugi na ako.
"I'm fine. " He shrugged "Ako man o hindi ang may-ari tumutulong parin naman ako. It doesn't matter. I'm a servant of Catuguing. "
I wanted to kill Jake in my thoughts. After all what I did. Napakatigas parin nito.
So ganon pala Jake ha! Wait and see. Pagsisisihan mo ang desisyon mo.
"Bilang ikaw na ang bagong may-ari ng bahay na ito at sa sakahan ay sa labas na ako matutulog, Senyorita Rian"
"Okay," Tumayo rin ako nang akmang aalis na sana siya. "Maghanda ka dahil maraming gagawin bukas. You choose to be like this, I'll give you what you want"
*End of Flashback*
"Ah-Ma'am wag na po si Sir. Kaninang madaling araw pa po siya gumagalaw. "
"Hindi. Kaya pa niyan. Utusan mo lang"
Sumama naman ang tingin sa akin ni Jake sa sinabi ko. Hinamon ko naman ito gamit ng mga titig kong nanlilisik.
"Ano? Di ka kikilos?"
Hindi naman sumagot si Jake at at kinuha lamang ang sumbrero nito bago siya sumama kay Mang Erning.
Pakirdam ko inis na inis na ito ngayon sa akin.
Malas mo Jake. Nagising mula sa hibernation ang pagka-maldita ko.
Mabilis lang naman nakabalik sila Mang Erning dito. Nang maka baba sa Truck si Jake ay kaagad kong binuhat ang planggana ng mga manok na pinakuluan nila kanina
"Nako Ma'am mabigat po 'yan" Parang natakot sila nang binuhat ko ito. Pero realtalk, Mabigat nga.
"Jake. Himayin mo ito. Para sa pansit. "
Sumunod ako kay Jake habang hawak hawak ko ang planggana. Hindi ako pinansin nito at binuhat lamang ang isang sako ng bigas.
"Aray, ang bigat kunin mo na" reklamo ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Found And Married (Mafias Series # 3) - RAW/UNEDITED
RomanceREAD AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Rian ran away from home. Magulo ang buhay na kinagisnan nito. One day she thought of running away and living alone by herself. Sa kalagitnaan ng paghihirap nito ay natagpuan siya ng isang my...