Chapter Fourteen: Disappointment

95.1K 1.8K 116
                                    

FB GROUP:

https://www.facebook.com/groups/988909977889463/

FB ACCOUNT:

https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818

Promote ko lang ang ibang Mafias Series

To Fix You (On-Going)
This is Luke's Story

A Beautiful Temptation (On Going)
-This is Tyron's

Muli maraming salamat po sa pagsubaybay.

*************

Kung nakakatunaw ang titig ay sana kanina pa ako natunaw.

Kanina ko pa nakikita sa mga gilid ng mata ko ang Jake na titig na titig sa akin, habang abala itong sinusuri ang mga Mais na idedeliver sa Bayan. Inabala ko ang sarili ko sa pagpunas ng mga Dahon ng Saging. Magtutupig raw sila ngayon. Sa una hindi ko alam kung para saan ito. Pero sabi nila para daw sumagana ang Ani ng mga magsasaka.

"Nakakilig po talaga kayong dalawa." Nabigla ako nang siniko ako ni Aling Rebeka

"Ang pogi pogi ni Ser Jake. Manang mana sa Daddy niya." Parang nakikilig na saad naman ni Aling Marie

"Opo." Nakangiting sabi ko naman.

Hindi ko rin alam kung bakit ako napasangayon. I was stari g at him when I said it. Hindi na siya nakatingin sa akin. Abala na ito sa pakikipagusap sa ibang Magsasaka. Nakalong sleeve ito na gaya ng mga damit ng mga magsasaka at nakapantalon. Nakatsinelas lang rin ito. But he stand out there. Ang gwapo at ang linis pa rin niyang tignan.

Nang bigla siyang tumingin sa akin ay agad akong nagiwas ng titig. Jusko po! Nakita pa niya ang pag ngiti ngiti kong nakamasid sa kanya!

Lalo oa akong kinabahan nang makita kong papalapit na siya rito. Agad akong tunayo at binuhat ang bilao ng dahon ng saging at nagtungo kay aling Rebeka na kasalikuyang nagpipiga ng Niyog.

"Gusto mo bang subukan?" Aya nito sa akin nang malapitan ko siya. Wala sa isip akong napatango. Kahit hindi ko naman alam kung papaano ito gagawin. Agad naman siyang umurong at ipinatapat ako aa malaking palanggana kung saan nakalagay ang katas ng niyog.

Nang makita ko nang papalapit siya sa akin ay agad kong hinawakan ang niyog na iniabot ni aling Rebeka sa akin.

"Paano po ganito?" Pinisil ko ang niyog. Tinuon ko ang atensyon ko sa pagpiga at pakikipagusap kay Aling Rebeka.

"Mukhang marami rami po yang ginagawa niyo ha." Nakapamaywang na saad ni Jake sa likod ko. Nag alis pa ito ng saplot pang itaas. Kaua lalo akong nakaramdam ng kung ano sa dibdib ko

'Rian ano ka ba!' Mantra lo sa sarili ko. Nawawalan ako sa focus!

"Ay Opo Ser Jake. Mamimigay kami sa ibang baranggay" nakangiting sagot naman ni Aling Marie

"Tutulong po ako." Naramdaman ko ang akmang pagupo nito sa tabi ko pero

"Wag!" Napatayo ako at napasigaw.

It was very late when I realizes I wasn'y supposed to act like that. To shout like that.

Hindi ko alam kung anong nagtulag sa akin para mapasigaw. Pinagtinginam ako nila aling Marie. Ganun na lang rin ang katalim ng titig ni Jake sa akin.

Nakita ko ring nagbulungan si Aling Marie at Aling Rebeka na parang kinikilig pa.

Minsan ang Tanga tanga ko.

Nagdoctor ba talaga ako?

"What's with you today?" Lumapit si Jake sa akin at kinuha ang niyog na nahuhulog na mula sa mga kamay ko. Nang makuha niya ito ay umupo siya at pinagpatuloy ang pagpipiga.

Found And Married (Mafias Series # 3) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon