Epilogue: The Promise Of Forever

127K 2.4K 179
                                    

"Mommy! Ate!" napayakap ako sa sarili ko dahil sa ginaw. Hindi ko alam kung papaano ako uuwi. Mag isa ako at walang kasama. Lumayas ako sa bahay. Hindi ko matanggap ang pagkamatay ng Mommy. Hindi ko rin kayang makita si Ate na nasa miserableng kondisyon. Naawa rin ako kay Daddy.

Bakit hindi nalang din ako nawala? Bakit pa ako nabuhay kung ganito lang din ang mangyayari sa akin. Halos wala nang natitira sa amin ni Dad. Hindi ko na alam kung papaano ako magpapatuloy.

Napasigaw ako sa Takot nang marinig ko ang malakas na Kulog at Kidlat. Tumakbo ako palayo. Ang dilim ng buong paligid at hindi ko alam kung saan ba ako pupunta.

"Ahh!" Napaupo ako sa lupa nang maramdaman kong may nakabangga akong Tao.

"Aray! Huhuhuhu!" Napabalikwas ako nang tingin sa direksyon kung saan ko narinig ang iyak ng isang Bata

"Uy bata. Ayos ka lang ba?" Nilapitan ko siya. Umiiyak ito dahil sa gas gas na tinamo niya sa tuhod niya

"Nagdudugo ka!" Nagpapanic kong sabi.

Nataranta ako nang patuloy siyang umiyak. Kinuha ko ang maliit na payong nito at binuhat ko siya. Kung hindi ako nagkakamali. Nasa 4 ang edad ng batang ito. Humanap ako ng masisilungan.Ipianupo ko siya sa Isang Store na sarado at may Bubong

Inisip ko ring iwanan nalang ang batang ito pero nakonsesnya naman ako.

"Masakit pa ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango tango ito habang humihikbi

Pinunin ko ang laylayan ng damit ko at pinunasan ang gas gas nito. "Wala akong gamot. Pagtyagahan mo muna ito."

"Ano bang Pangalan mo?" Sabi ko sakanya at hinawi ang buhok nitong nakatakip sa mukha niya

"Lian. " Hindi ko alam kung bakit may mood pa akong tumawa. Pero nacutan ako nang magsalita ito. Bungi kasi yung Bata.

"Lian? Ang pangit ng Name mo." Humalakhak ako.

"Saan ka ba pupunta ang liit pa nitong payong mo parang sumbrero lang ng magsasaka"

"Layas ako Bahay." Nakayukong saad nito

"Ako rin eh. Pero babalik ako. Kailangan kong balikan si Dad. Kailangan mo rin balikan ang bahay niyo."

"Bakit naman?" Napakunot ang noo nito

"Kakainin yun ng Dinasour sige ka. Wawa ang Mama at Papa mo. Kaya uwi ka na. Wag kang layas ng layas. " Nagulat na lang ko nang bigla itong tumango tango.

"Papa!"

Nagulat ako nang bigla itong nagmadaling bumaba sa kinauupuan at kinuha ang Payong. Sinundan ko siya ng tingin at tumakbo ito sa isang Ginoo na may hawak na Payong

"Rian!" Nagaalalang tawag ng Lalake sa bata. mukhang Tatay niya ito

Pinanuod ko ang Mag Ama na maglakad palayo mula sa kinaroroonan ko.

Nang bigla silang tumigil at nilingon ako nung Bata. Kumaway kaway ako sa pag aakalang magpapaalam ito. Kumalas siya sa pagkakahawak ng Tatay niya at tumakbo sa akin

"Payong mo!" Iniabot sa akin nito ang maliit na payong niya

"Sayo na yan," Sabi lang nito at nagsitakbo pabalik sa lalake.

Napatitig ako sa Payong. Ang design ng Payong ay Drawing ng isang Pamilyang magkahawak sa isa't isa at may malaking puso na kung saan nakapaloob yung drawing

*****************************

"Tama na muna yan! Magmeryende muna kayo." Kanina pa ako sigaw ng sigaw. Parang wala silang naririnig sa akin.

Found And Married (Mafias Series # 3) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon