Chapter Nine:His Unknown Past

104K 1.8K 45
                                    


FB Group:

https://www.facebook.com/groups/988909977889463/

FB Account:

https://www.facebook.com/profile.php?id=100012628574818

Thank You po sa Reads Votes and Comments

*****************


Nagising ako, Tirik na tirik na ang araw. Naririnig ko ang mga tIlaok ng mga Manok. It was very unusual. Dati ang Alarm Clock ko ang naririnig ko. Sari sari ang tunog na narinig ko nang bumangon ako. May mga nagchichismisan na hindi ko naman maintindihan ang ibig sabihin at may mga Tunog ng Baka at Iba't iba pang Hayop gaya ng Aso,

Nang makalabas ako sa Sala ay walang katao tao. Nang makita ko ang Dining Table ay parang may nakatakip na pagkaim. Tinungo ko ito. May nakita akong Hotdog Tuyo at Itlog. Kumuha nalang ako nang Hotdog at pinapak ko.

Lumabas ako, Hindi namalayan ang pangiti ko bigla. Ang sarap ng simoy ng hangin at ang ganda ng Araw. Relax na relax ang nararamdaman ko ngayon.

Di gaya sa syudad puro usok at Tao ang nakikita mo.

"Gising ka na pala Dyosa." Natigil ang pagiinat ko nang may marinig akong pamilyar na boses. I craned my back to confirm him. Nakita ko si Jake na naghuhugas ng katawan at paa sa may Gripo. Ngumiti pa ito sa akin.

"Kumain ka na ba?" Hindi ko nalang siya sinagot at iniba ang tingin ko. Na parang wala akong pakialam sa kanya.

"I need a little help." Tumingin ako sa kanya. Wala naman na akong nagawa kundi magtungo sa kanya.

"Paki Punasan naman yung Likod ko, Nadumihan rin kasi." Nakangiting pakiusap nito. Pinagtaasan ko lang siya ng Kilay.

Inabot ko naman ang basang bimpong ibinigay nito. Hindi ko alam pero nung tumalikod na siya sa akin, Parang hindi ako komportable. Napatitig ako sa likod nitong matipuno. Hindi gaano kalaki pero kapag makikita mo. Mapapalunok ka nalang

Bago pa siya makahalatang natutulala ako ay lumapit ako sa kanya at pinunasa ang likod nito. Actually wala namang dumi eh. Palusot lang naman yata

"Saan ka ba kasi galing?" Tanong ko sa kanya

"Sa Sakahan. Chineck ko ang mga pananim. Kailangan naming magpatubig." Nilingon ko nito. Pero nagiwas ako ng tingin.

Nang mapunasan ko ang likod nito ay pumihit ito paharap sa akin. "Magbihis ka, May pupuntahan tayo." Nakapamaywang na saad nito

"Saan naman?"

"Sa Paoay. Bibisitahin natin ang Tiya ko." Kinuha nito sa akin ang bimpong hawak ko.

"Ah Okay, Sige Maliligo lang ako."

**********************


Nakalabas ang kamay ko sa Bintana. Ilang beses na rin akong sinisita ni Jake na ipasok ko sa loob ang kamay ko. Nakasakay kais kami sa Owner ngayon. Ata ng sarap ng Hangin! Dahil Mejo Open ang sasakyan.

"Baka Gusto mo pang tumayo sa Likod. Sabihin mo lang ipaparada kita." Natigil ako bigla at napatingin kay Jacob. Para akong nabadtrip sa sinabi nito. Naramdaman ko ang pagpipigil niya ng Tawa.

"I'm just wondering..." Biglang naging seryoso ang boses ni Jacob. "Kumusta ka na?" He looked at me. My Heart skipped a beat. I could not stare at him. Iniba ko ang tingin ko. Binaling ko ang atensyon ko sa Bintana. Hindi ko maramdaman na may halong biro ang tanong ni Jake.

Found And Married (Mafias Series # 3) - RAW/UNEDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon