Ngayon ay ang Unang Araw ng Theraphy ni Jake. Nagleave ako sa Hospital ng Isang Buwan para matutukan kong alagaan si Jake. Mabuti nalang at mabait ang mga Superior ko at naintindihan nila ako. Masaya ako dahil kahit papaano ay nariyan ang mga kaibigan namin ni Jake na nakasuporta sa amin.
Alam kong hindi madali ang sitwasyon namin ngayon. Pero ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako susuko.
Jake's Hope are falling and I will keep him from giving up.
"Doc." Napatayo ako nang nakita kong lumabas ang Doctor ni Jake mula sa Room.
"Tapos na po ba?" Linapitan ko ito.
"Yes. Pero kailangan niyang umatend ng session regularly. Huwag niyang kakalimutang uminom ng gamot at pahinga." Ngumiti naman ito sa akin
"Hindi magiging madali ang paggaling ng Asawa mo pero, Alam kong kayang kaya niya." He tapped my shoulder "I was like him too. But I had a Wife like you. "
"Maraming Salamat po Doc. Tiwala po ako sa asawa ko." Sabi ko naman sa kanya
"He is a strong man. He can do all of this. Mauna na ako." Pagpapaalam nito.
Maingat kong binuksan ang pintoan at pumasok ako sa loob. Hindi ko makita si Jake sa wheelchair niya. Hindi ko siya mahanap. Bigla akong kinabahan kaya naman Binilisan ko ang pagpasok sa loob. Napatigil ako nang makita ko siya nakaupo sa sahig sa may malapit sa glasswindows. Naka kalat sa sahig ang saklay nito.
"Jake." Nataranta akong lumapit sa kanya. Lumuhod ako para tignan siya. Pinagpapawisan siya at namumula
"Ang sakit." Napapikit ito at sinandal ang ulo sa pader "Hindi ko pa kayang maglakad." He sounded so disappointed
"I can't do this." Tumingin sa akin si Jake na luhaan. Hindi kinaya ng damdamin ko ang nakita kong pagtulo ng luha ni Jake.
"Hirap na hirap na ako." Humikbi ito
"Mukhang hindi na ako gagaling Rian...Papayagan mo ba akong sumuko na lang. "
"Jake..." I held his hands
"Alam mo ba nung hindi ka nagigising at sinabi ng Doctor sa akin na Igive up na kita. Hindi ako pumayag.." Huminga ako ng malalim at hinigpitan ko ang pagkakahawak sa mga kamay niya
"Pero nung pinupump ka nila, Pinatigil ko na sila. I was not ready to lose you. But I knew you were having a hard time and you wanted to go. But I was not ready to let you go.." I bit my lips as I couldn't helped but to cry
"Inisip ko na mawala ka man ngayon sa akin hindi ka mawawala sa Puso ko. I have told you my answer a lot of times. None of these matter."
"I'm Sorry I couldn't be strong.." Mahinang sabi nito
"Can you help me." He smiled to me. Tinulangan ko siyang tumayo. Hirap parin talaga siyang makatayo. Dahan dahan ko siyang pinaupo sa Wheel chair niya
*******************************
"Ngayon ko lang narealize masarap pala ang Gummy Worms." Kanina pa yata salita ng Salita si Jake pero hindi ko siya Nasasagot. Naiisp kong Ilabas si Jake.
"Bakit Tahimik ka?" Liningon ako ni Jake. Tumigil kami sa tabi ng isang puno. Nagtungo ako sa harapan ni Jake at Inilagay ang Blanket na hawak ko sa mga hita niya. "Baka Malamigan ka." I smiled.
"Alam mo ba yung Story ng The Wedding Dance?" tanong ko sa kanya pero umiling iling ito
"Kwento yun ng Mag Asawa. The wife gave up on her husband. Because she can't give him a Child. It was their tradition to bear a child. The wife watch her husband with that woman who can give him a child. The husband loved his wife. and so with the wife too."
BINABASA MO ANG
Found And Married (Mafias Series # 3) - RAW/UNEDITED
RomanceREAD AT YOUR OWN RISK ⚠️ The story is RAW and UNEDITED ** Rian ran away from home. Magulo ang buhay na kinagisnan nito. One day she thought of running away and living alone by herself. Sa kalagitnaan ng paghihirap nito ay natagpuan siya ng isang my...