The Benefit of the Doubt (39)

181 7 6
                                    

Guys. May bago akong story entitled "ENTRANTS". Sana basahin niyo.


. . .

Viola



The saddest thing about betrayal is that it never came from an enemy.


Naaalala ko pa noong nabasa iyan na nakasulat sa pader ng girl's CR. Kung sino man ang nagsulat niyan ay tama siya. It is the worst thing that happened to me. Yung mga taong pinagkatiwalaan ko, sila pa pala yung mga gagawa ng masama sa iyo. Ganito ba talaga ka unfair ang buhay?


Habang tumatagal ay parang bumabagal ang mga galaw sa paligid. Sumasakit na rin ang ulo ko. Huminga na lang ako nang malalim, para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Eto na ata ang epekto ng pagod sa katawan ko. Idagdag pa ang bigat sa dibdib ko dahil sa mga nalalaman ko. 


Tinitigan ko si Calvin. Nakatuon ang atensyon niya sa tatlong babae sa harap na nagsasalita. Simula kanina ay hindi pa rin nawawala ang galit sa mga mata niya. Hindi ko siya masisisi, may possibility na isa sa tatlo ang pumatay kay Heidi. 


"Nakakatawa lang kasi akala nila si Stephen ang pumapatay dahil 'don sa gamot na kunwari nakita ko." patuloy pa rin sa pagsasalita si Lydia.


Naramdaman kong may nakatitig sa akin. Tama nga ako nang makitang si Black pala iyon. Nakahawak pa rin siya kay Calvin. Huminga ako nang malalim at sinuklian siya ng matalim na titig. Sa totoo lang, nagulat ako nang makita siya. Pero namuo rin ang poot dahil sa ginawa niya kay Calvin. 


Napakunot ang noo ko habang tinititigan siya nang matagal. Parang may gustong ipahiwatig ang mga mata niya. Hindi ko alam kung ano iyon, pero sisiguraduhin kong hindi na ako magpapadala sa mga paparating na kasinungalingan.


"Alam mo ba kung bakit ka namin kinaibigan, Viola?"


Parang pinitik ako ng reyalidad, naputol ang titigan namin ni Black at bumaling ako kay Lydia. Hindi na ako sumagot pa. Hinintay ko na lang siya na ituloy ang sasabihin niya.


"Para makilala ka namin. Para malaman namin kung ano ang kahinaan mo. So that we could use that against you. It sucks, right?"


Ngumisi siya at tinitigan ako na para bang may nakakatawa sa mukha ko. Hindi ko alam na posible pa palang madagdagan ang galit sa loob ko. Gusto kong kumawala at saktan siya. Pero magiging katulad rin nila ako, at ayokong mangyari iyon.


"Turns out your weakness is Chin chin. I used her to blackmail you, para mawala ang suspetsa mo kay Queen."


Ramdam ko ang paninikip ng dibdib. Kahit na nahihirapan akong huminga ay sinikap kong magsalita.


"Nawala nga. Hindi ko nga pinagsabi ang mga nalaman ko. Pero para saan pa ang gamot na tinurok mo sa akin?" Parang gusto kong pumalakpak because I managed to sound calm, kahit na halos magwala na ang loob ko. Mahirap man ay sinubukan kong alalahanin ang mga nangyari.

The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon