One Last Truth (41)

196 7 9
                                    

. . .

Third Person



Tumawa ulit si Chin chin. Lumapit ito kay Lydia at tumango tango. "It's been a long time since you mentioned my real name again. Namiss kita, Riri. Lalong lalo na yung ginawa mo sa'kin dati."


Mas lalong nanigas ang katawan ni Lydia. Mabilis na pumasok sa isip niya ang ginawa sa dalaga ilang taon na ang nakalipas. Kinain ng takot at gulat ang sistema niya. Hindi niya inakalang babalik pa ang dating kaibigan na matagal niya nang kinalimutan. Ang taong inakala niyang matagal nang nawala sa buhay niya.


Gumuhit ang galit sa mukha ni Chin chin. Humigpit ang hawak nito sa baril. "Hindi mo alam kung paano mo sinira ang buhay ko, Lydia. Hindi mo alam kung gaano ako sinaktan ng sarili kong ina dahil sa mga pagkakamali na hindi ko ginawa. My mother raised me to become the perfect daughter she wanted! Everytime na hindi ko magawa ang gusto niya, she would become really mad and beat me until it was hard for me to breathe."


Tumulo ang mga luha sa mata ni Lydia. Hindi dahil sa naaawa siya rito, kung hindi ay dahil sa takot na nararamdaman. Alam niya ang kayang gawin ni Chin chin. Alam niyang hindi ito magdadalawang isip na saktan siya. Lalong lalo na at malaki ang galit nito sa'kanya.


"Remember Brenda? I killed her. Pero nalaman ni Mommy iyon when I came home and bathing in blood. Ayaw niyang malaman iyon ng iba kaya umuwi kami dito sa Pilipinas. She even changed my name and I went through medication." Matigas ang pagkakasambit nito sa bawat salita. Punong puno ng galit ang boses niya.


"After I left Chicago, hindi ko tinigilan ang paghanap ng balita tungkol sa'yo. We became friends sa US kasi pareho tayong Filipino, and that gave me an idea na sooner or later, babalik ka sa Pilipinas. I'm glad that I was right." Ikinasa niya ang baril na hawak. Awtomatikong tumaas ang mga kamay ni Lydia para pigilan ito.

"Chin chin! Please! Matagal na 'yon! Let's move the fuck on!" Pagkukumbinsi ni Lydia

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Chin chin! Please! Matagal na 'yon! Let's move the fuck on!" Pagkukumbinsi ni Lydia. Nanginginig ang boses nito.


Tumawa ng pagak si Chin chin. "Bullshit." bulong niya sa hangin sabay kinalabat ang gatilyo ng baril. Umalingawngaw ang putok nito sa buong paligid. 


Bumulagta agad sa lupa si Lydia nang tamaan ng bala sa kanang braso. Mabilis na lumabas sa bibig niya ang malakas na daing, kasabay ng luha niya ang pagdaloy ng dugo mula sa sugat. Halos pigain niya na ang braso upang maibsan ang sakit. 


Lumapit ng ilang hakbang si Chin chin. Nakatutok pa rin ang baril niya kay Lydia na nanlalaki ang mga mata habang pinagmamasdan ito. Pinipilit na alisin sa'kanyang isipan na ito na ang katapusan niya.

The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon