Getting To Know Each Other (4)

1.2K 34 11
                                    

. . .

Viola

After Class

Natapos na ang klase nang hindi ko namamalayan. Kanina, habang nagdi-discuss ang mga teachers ko, hindi ko maintindihan yung mga pinagsasabi at pinaggagawa nila. Isa lang kasi ang laman ng utak ko.

Si Heidi.

"Boo!"

"Ay Heidi!" parang nahulog ang puso ko sa tiyan nang may biglang humawak sa balikat ko sabay sigaw sa tenga ko.

"Ano ba yan Chin chin?! Bakit ka ba nanggugulat?!" iritado kong sigaw sa'kanya nang lumitaw siya sa harap ko. Tama ba namang gulatin ako? Nakakabwisit kaya.

Hindi naman siya sumagot. Mukha siyang nagulat sa ginawa ko. Namumutla kasi yung mukha niya at malaki ang mata. Nag-alala naman ako bigla. Ganun ba kalakas yung sigaw ko sa kanya para mamutla siya ng ganyan? 

Yinakap ko siya. I felt guilty dahil sa pagbulyaw sa kanya.

"I'm sorry." bulong ko at hinigpitan ko ang yakap. Natauhan naman siya at niyakap rin ako pabalik.

"Okay lang Viola. Sorry nga pala kung iniwan kita kanina ha? May meeting kasi kami eh."

Humiwalay na ako sa pagkakayakap. "Meeting? Para saan?" tanong ko.

"Sa, photography club. Hey! Kanina pa kaya kita tinatawag! Parang wala ka sa sarili mo habang naglalakad!" tanong naman ni Chin chin. Ngumiti na lang ako.

"Halika na. Sasamahan kita sa auditorium." at hinatak niya ako at naglakad na kami.

Oo nga pala. Pinapatawag kaming mga new members ng club. Muntik ko nang makalimutan dahil sa mga iniisip ko kanina.

. . .

Third Person

Auditorium

"Kumpleto na ba ang lahat?" tanong ni Sir Bravo sa mga estudyanteng nakaupo sa entablado pagkapasok niya ng auditorium.

"Yes sir." sagot ni Jennie para sa mga kasama.

Tumikhim si Sir Bravo. "Okay. First of all, welcome sa mga new members ng Theater club." nakangiting bati ng guro sa mga bagong miyembro. Kanya-kanyang ngiti at pasasalamat ang bawat isa.

"Wala talaga akong pinagsisihan sa pagsali sa club na'to. Ang gaganda ng mga chicks!" sigaw ni Trigger at inakbayan si Queen na katabi niya. 

"Ew! Hindi kami manok, duh! And get your filthy hands off me you jerk!" maarteng sigaw nito at marahas na inalis ang braso ni Trigger sa balikat niya. Humanap siya ng bagong pwestong mauupuan.

"Putangina. Ang manyak mo Trigger." saad ni Zedd at tinignan nang masama ang kaibigan.

"I Don't care. I love it." walang ganang sagor ni Trigger at tumingin sa paligid. Napangiti siya nang makita ang magandang mukha ni Stephanie.

Tumayo si Daphne at halata ang pagkairita sa mukha. "I can't believe na sa lahat ng nag-audition, kayo pang mga weirdo ang nakapasok!" sabi niya habang nakataas ang isang kilay.

"Grabe ka naman magsalita Daphne!" reklamo ni Faustus na parang bata.

"Shut up Faustus!" bulyaw ni Daphne rito.

The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon