Conscience Over Blood (42)

204 6 9
                                    

This is the last chapter before the epilogue. Bago matapos 'tong story na 'to, I would like to say a big and capitalized THANK YOU sa lahat ng nagtiyaga sa paghihintay ng mga updates at pagbabasa. Without you guys, I won't be able to finish this, kahit na it took two years. Thank you talaga. This is my first story at hindi ko ine-expect na ganito ang support na makukuha sa readers. I don't even know how to express how grateful I am! AHHH! /le cries with Dylan O' Brien a.k.a my husband/

. . .

Third Person

A year ago


Niyakap ni Chin chin ang sarili nang dumaan ang malamig na hangin. Nakaupo siya sa isang upuan sa parke. Dis oras na ng gabi at wala nang tao roon maliban sa'kanya. Hindi nakaramdam ng takot o pangamba ang dalaga.


"Hi."


Liningon niya ang taong kanina niya pa hinihintay. Si Joyce, ang kapatid sa ama ni Heidi. Nakilala niya ito nang magpunta silang magkakaibigan sa bahay ni Heidi. Nagulat na lang siya nang tawagan siya nito at sabihing magkita sila sa parke kung nasaan sila ngayon. Kahit hindi alam ang motibo nito ay sumang-ayon siya sa gusto ni Joyce.


"Paano mo nakuha ang number ko?" Tanong ni Chin chin at pinagmasdan si Joyce na umupo sa tabi niya.


"Sa cellphone ni Heidi, madali lang naman e." Walang ganang sagot nito at luminga linga sa paligid.


Napakunot ang noo ni Chin chin at nagtanong. "What do you want from me? Bakit kailangan pa nating magkita sa ganitong oras?"


Bumaling sa'kanya si Joyce at tinignan siya diretso sa mata. Napaatras nang kaunti si Chin chin dahil rito. "I know you hate Heidi." Matigas ang pagkakasabi nito.


Hindi pinansin ni Chin chin ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya. Tama nga ito, galit siya kay Heidi. Ngunit hindi niya ito hahayaan na malaman iyon. Gumuhit sa mukha niya ang pagkabigla. "What the hell are you talking about? Of course not. Kaibigan ko siya--"


"Bullshit." Putol ni Joyce rito. Nanlaki ang mga mata ni Chin chin, hindi makapaniwala sa inaasal nito.


Nagpatuloy sa pagsasalita si Joyce. "Nang magpunta kayo sa bahay, pinagmamasdan ko kayong ng dalawa ng babaeng pula ang buhok, Queen ata ang pangalan. Kahit na nakangiti kayo kay Heidi, halata sa mga mata niyo ang galit. Lalong lalo ka na."


Pigil ang hininga ni Chin chin nang ituro siya ni Joyce. Hindi siya makasagot sa kausap niya ngayon. Hinayaan niya lang ito na magpatuloy sa pagsasalita.


"Alam ko ang mga titig na 'yon. Dahil... ganun rin ako tumitig sa'kanya.."

The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon