Drugged (26)

349 8 2
                                    



. . .

Viola


"Okay na Chin?" tanong ko sa'kanya habang papunta kami sa cashier para bayaran ang mga pinamili namin.

"Yep! Can't wait for tomorrow!" sabi niya habang iniisa isa ang mga pinamili naming pagkain. Pagkatapos namin makuha ang waivers ay dumiretso kami sa mall, bibili ng mga makakain namin bukas ng gabi.

Nanlamig ang katawan ko. Sana. Sana walang mangyaring masama bukas. Kagaya ng iniisip ko. 

"Tulaley ka na naman!"

Napapisik ako nang bigla niya akong hinampas sa braso. Tinignan ko siya ng masama habang hinihimas ang braso ko.

"Sadista ka talaga!"

Tumawa si Chin chin at binayaran ang mga pinamili namin. "Napapadalas na kasi yan V. Baka mamaya may mga nakikita kang hindi namin nakikita. Scary!"

Binatukan ko siya. "Gaga! Halika ka na!"

Kinuha na namin ang mga plastic bags at nagsimula nang lumakad palabas ng mall. Talak lang ng talak si Chin chin. Excited na daw siya para bukas. Habang ako, hindi talaga.

Madilim na ang langit. Walang mga stars. So ibig sabihin, may possibility na umulan. Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko. Seven thirty na pala. Tahimik lang kaming naglalakad nang bigla siyang magsalita.

"Bestie, kapag nag graduate na tayo, anong course ang kukunin mo?"

"Hindi pa ko nakapag decide eh. Ikaw ba?"

Ngumiti siya. "Siguro nursing or medicine. Ganun rin kunin mo bestie para magkasama pa rin tayo."

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Jusko. Ayoko! Takot ako sa injection eh."

Totoo naman. Simula bata ako, may phobia na ako sa injection. Ang weird kaya. Pinapasukan ng karayom ang balat mo. Yikes.

"Enk. Injection lang yan eh. Tsaka gamot naman ang nakalagay sa loob nun. Pampagaling." naka pout niyang sabi.

Umiling ako. "Ayoko. Mas gusto ko pa ang tablet na gamot kesa sa injection. Trivia lang ha, simula bata ako, puro syrup at tablet lang ang gamot ko. Walang injection." I stated. Hindi na siya nagsalita. Pagod na siguro. Lels.

Inunahan ko siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot. Naramdaman ko ang paghawak niya ng balikat ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

Paglingon ko ay seryosong seryoso ang mukha niya. Hindi ako makaimik. Bakit ganito siya kung makatingin sakin? Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Viola." sabi niya sa malamig na tono. Humigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Napangiwi ako sa ginawa niya. Anong nangyayari sa kanya?

Pero mas nagulat ako nang bigla siyang tumawa ng malakas. Habang ako, confused pa rin sa nangyayari.

"Nakakatawa yung mukha mo Bestie! HAHAHAHAHA! Oh my gosh! Mas naiihi ako dahil sayo! HAHAHAHAHAHA!" halos hindi na siya makahinga sa kakatawa. Doon lang ako natauhan at hinampas siya sa braso.

"Gaga ka talaga! Natakot ako dun Chin!" inis kong sigaw sa kanya. Kasi naman eh! Kung alam niya lang ang mga pinagdadaanan ko ngayon.

Huminahon siya at tumikhim. "Haha. Sorry na bestie. Effective pala ang acting ko. Haha. Gusto ko lang naman sabihin na pupunta lang ako sa CR! Hahaha! Sorry na talaga."

The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon