Accusations (17)

602 17 4
                                    


. . .

Kidd


"Ate, dalawang kilong santol nga."


"Aba iho. Ang dami naman yatang santol 'to." Natatawang sabi sa akin ng tindera at binigay yung supot ng santol.


Nginitian ko siya. "Okay lang Ate, matakaw naman po yung kakain nito. Sige po. Maraming salamat." Pagkatapos kong ibigay yung pera sa tindera, tumawid na ako at pumasok sa ospital na kaharap ng mga fruit stalls.


Bibisitahin ko na naman yung espesyal na babae sa buhay ko. Kahit na palagi niya akong binubully kapag binibisita ko siya. Pero nag-e-enjoy naman ako kapag siya ang kasama ko. Mahal ko e.


Pagpasok ko sa kwarto niya, as usual, nanonood na naman siya ng Adventure Time. Isip bata talaga! Tumikhim ako kaya napalingon siya sa akin at ngumiti.


"Ang panget mo talaga, Kidd." Pang-aasar niya sa'kin at bumalik ulit sa panonood ng TV. Nilapag ko yung santol sa lamesang nasa gilid niya at umupo sa kama.



"Ang bully mo talaga. Kung wala ka lang sakit, kawawa ka sakin." Sabi ko sa kanya at pinisil ang mga pisngi niya.


Inalis niya naman yung kamay ko at kumuha ng santol. "Che! Wag mong irason yung sakit ko." Hirit niya at tumawa. Napansin ko na lumungkot siya dahil sa sinabi ko. Napabuntong hininga ako. Sana hindi ko na lang sinabi yun.



"Ate." Tawag ko sa kapatid. Tumingin naman siya sa akin at pilit na ngumiti. Hindi naman umabot sa mata niya.


"Bakit?"


"Magpagaling ka ha? Alam kong kaya mo yan." Kung pwede lang. Sana ngayon pa lang, gumaling na siya.


Hinampas niya ako sa braso at pilit na tumawa. "Oy. Bilhan mo ko ng wig na katulad sa buhok ni Princess Bubblegum ha?" Ganito palagi si Ate, tuwing nababanggit namin ang sakit niya, iniiba niya agad yung usapan.


Ilang buwan na siyang nandito sa hospital dahil sa Leukemia. Habang tumatagal, lalong lumalala ang sakit niya. Kung pwede lang na ako yung magkasakit kesa siya.


Pinagmasdan ko siya habang nanonood ng TV at tumatawa. Ang laki ng ipinayat niya. Unti unti na ring nalalagas ang buhok niya. Nakakaawa talaga ang kapatid ko.


"Don't give me that look Kidd." Bumaling siya sa akin at tinitigan ako sa mata. "Gagaling ako. I can promise you that."


Pinilit kong ngumiti at tumango. "Alam ko, Ate."


Nagulat ako nang bigla niya akong hampasin ng unan sa mukha. "Umalis ka na nga! Malelate ka na naman e!"


The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon