Pistanthrophobia Arises (20)

500 15 6
                                    


. . .

Faustus


Nandito kami ngayon ni Wifey sa hospital kung saan naka admit ang Ate ni Kidd. Pagkatapos kasi nang nangyari last week, binigyan namin ng pagkakataon si Kidd para makapag paliwanag. Hindi naman kasi tama na sisihin lang namin siya.


Sinabi niya, na ang rason kung bakit siya nalalate palagi ay may Ate daw siyang may sakit at palagi niyang binabantayan. Yung iba ayaw maniwala kaya nag volunteer kami ni Wifey-well, ako yung nagvolunteer para sa'ming dalawa. Hehehe. Umaangal pa nga ang mahal ko pero siyempre, hindi niya mareresisist ang charms ng future husband niya.


Nag-volunteer kaming dalawa na sasamahan si Kidd dito sa hospital para malaman namin kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo.


Naglalakad kami sa hallway papunta sa kwarto ng Ate ni Kidd. At kanina ko pa napapansin na panay ang lingon ni Wifey. Inakbayan ko siya.


"Wifey? Anong problema?"


Umiling lang siya at ngumiti. "W-wala. Ayoko lang talagang pumasok sa mga hospital."


Na-guilty ako bigla. Shit. Ako pa naman ang pumilit sa magandang 'to para pumunta dito. Hinalikan ko siya sa noo. "Sorry Wifey. Sana hindi na lang ako nag-volunteer." Ang tanga ko talaga!


Tumawa siya nang mahina. "Baliw. Ayos lang naman. Hindi lang talaga ako sanay. Pero wag kang mag-alala. Ayos lang talaga ako." Ngumiti siya sakin at hinawakan ang kamay ko na nakaakbay sa kanya. Ang sweet niya talaga. Langya, kinikilig ako palagi sa babaeng 'to!


Malakas na tumikhim si Kidd. Parang sinasadya niya iyon para mapunta ang atensiyon namin sa'kanya. "Ayokong sirain ang moment niyo pero nandito na po tayo." Singit niya at tinuro ang pinto sa kwarto ng kapatid niya.


Binuksan ni Kidd ang pinto at pumasok na kami. Napanganga ako sa nakita. Eto ba yung ate niya?


"Yuck Kidd! Ang panget mo talaga-ay! Hello!" Sabi niya at kumaway sa amin. Kumaway din ako at ngumiti sa kanya habang nakatitig lang si Wifey rito.


Lumapit si Kidd sa kapatid at hinalikan sa noo. Naks! "Ah ate. Mga kasamahan ko nga pala sa theater club. Si Faustus tska Astrid."


"Hi po. Kamusta? Ang cute ng buhok niyo." Nakangiti kong sabi. Si Wifey ganun pa rin. Walang reaksyon. Sa'kin lang mabait yan eh.


Tumawa naman ang Ate niya. "Ah! Buhok to ni Princess Bubblegum. Cute noh?" Sabi niya at sinuklay ang pink niyang buhok na sobrang haba. Nakaupo siya kasi sa kama kaya hindi ko matantiya kung hanggang saan ang buhok niya na obvious naman na wig.


Tumango lang ako. Si Wifey naman ang nagsalita. "Anong sakit mo?"


"Leukemia." Nakangiting sagot nito. Grabe. Ang lala ng sakit niya pero parang wala lang sa kanya. Ang tapang niya, grabe.


The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon