New Names, New Members (25)

415 11 1
                                    


. . .

Black


Kanina ko pa pinagmamasdan ang bracelet ni Sandy na matagal nang nakatago sa kwarto ko.

Matagal tagal na rin simula nung namatay siya. Hanggang ngayon, ang alam lang ng lahat ay patay na siya, pero walang makapagtuturo kung sino ang pumatay sa kanya. Katulad ng iba. Katulad ni Heidi.

Ilang linggo na ang lumipas. Walang may sumunod kina Daphne. Naging maayos ang takbo ng mga araw.

Kumalat sa buong eskwelahan na si Queen ang pumatay sa mga kasamahan namin. Simula nang nawala siya sa eskwelahan, wala nang may namatay na estudyante. Naging panatag ulit ang lahat.

Pero kung ako ang tatanungin, mas dodoblehin ko ang pag-iingat. Dahil kapag ganito kakalmado ang paligid, asahan mo na may mas malala pang trahedya ang darating.

Hindi ko masasabi na si Queen ang pumapatay, hindi ko rin masasabi na hindi siya, pero may mga posibilidad na sinet up siya para lahat ng mata ay sakanya nakabantay. Habang ang totoong salarin ay makagawa ng mas masahol na krimen.

Siguro, nagpapahinga muna ito at gumagawa ng mas magandang plano.

Putangina. Napaka talino ng hayop na to. Magaling siyang lituhin ang mga tao. Akala ko nung una, malapit ko na siyang makilala. Pero akala ko lang pala.

Si Viola. Siya dapat ang mag-ingat. Marami ang naghangad ng puwesto niya ngayon. At isa rin yan sa mga nakikita kong rason kung bakit pumapatay ang salarin. Dahil yan din ang dahilan ng pagkamatay ni Heidi. Kaya hindi malayo na pare-pareho lang ang pumatay sa kanilang lahat.

Hindi magagawa ng isang tao ang ganito karaming krimen. May mga kasama siya. Pero ang hirap malaman kung sino. Napakagaling umarte ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko kayang magbigay ng hinala kahit kanino. Dahil baka mali lang.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Joyce. Huli na bago ko matago ang hawak ko kaya napamura na lang ako ng mahina nang tanungin niya ako tungkol dito.

"Wala. Bakit hindi ka kumatok?" asik kong sinabi ko sakanya.

"Ano yan Kuya? Bakit nasa pink na box? Bakla ka ba?" sunod sunod na tanong niya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang siya sa huli niyang tanong.

"Kay.. Kay Sandy to." sagot ko sakanya.

Kumunot ang noo niya. "Sandy? Diba patay na yun? Member din yun ng club diba?"

Tumango ako at itatago na sana ang box nang lumapit siya sakin at kinuha ito. Binuksan niya at tinignan ang laman sa loob.

"Membership bracelet? Bakit nasa sa'yo to Kuya?"

Sasagot na sana ako nang mapansin ko ang suot suot niyang membership bracelet. Meron na pala siya niyan?

"Paano ka nagkaroon ng membership bracelet?" tanong ko sakanya. Inangat niya ang kamay at pinagmasdan ang suot na bracelet.

"Duh Kuya. Binigay sakin to ni Sir Bravo nung nakapasok ako sa club." paliwanag niya.

"Ah." yun na lang ang nasagot ko. Puta, bakit pati kapatid ko parang pinaghihinalaan ko na? Ano ba tong pinag iisip ko. Kilala ko si Joyce. Alam kong hindi naman siya gagawa ng mga bagay na ikagagalit ko.

"Teka. Bakit ganyan ka makatitig sakin Kuya? Pinaghihinalaan mo ba ako?"

Nagulat ako sa sinabi niya kaya napa kunot ako ng noo. "Anong pinagsasabi mo?"

The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon