Dead Bodies (22)

559 14 4
                                    


. . .

Viola

The other day

"Wifey, ayos ka lang ba?"


Liningon ko sina Faustus at Astrid na naglalakad sa likod ko. Naka akbay sa kanya si Faustus.


"Ayos lang. Napuyat lang kagabi." sagot ni Astrid habang minamasahe ang noo. Umiling na lang ako. Nakaka bitter naman 'to. Ang hirap talaga kapag single.


Tumango lang si Faustus at napansin na tumitingin ako sa kanila.


"Hi Violet!" bati niya sa akin at kumaway. Napatingin din si Astrid. Kumunot ang noo ko. Violet?


"Viola!" pagtatama ko at ngumuso. Kainis naman 'to. Ang tagal na naming magkasama sa club tapos hindi niya pa rin pala alam ang tamang pangalan ko. Kayamot.


Tumawa naman siya. "Alam ko. Inaasar lang kita." paliwanag niya. Ngumiti lang ako at pabirong inirapan siya at mabilis na naglakad. Abnormal talaga. Ang aga aga inaasar agad ako.


Lumihis ako ng daan at naglakad papunta sa classroom nang may biglang humarang sa akin.


"Hi Ate Viola! Patulong naman oh." pakiusap sa akin ni Jennie. May mga dala siya na limang bagay na parang lampara.


Kinuha ko ang dalawa at pinagmasdan ito. "Ano 'to?"


"Ah. Project namin yan sa science. Solar lamp. Tignan mo yung takip niya, may maliit na solar panel. Grabe ang hirap kaya maghanap ng ganyan." paliwanag niya. 


Tinignan ko ang takip. May solar panel nga. Tapos sa ilalim may maliit na bumbilya. Tumango lang ako. "Eh anong gagawin natin dito?" tanong ko.


"Lagay natin 'to sa old science lab. Samahan mo ko Ate ha?"


"Ah sige. Walang problema." Maaga pa naman kaya hindi ako male-late sa first subject namin.


Naglakad lang kami ni Jennie papunta sa Science building. Kwento lang siya nang kwento. Ako naman tango lang nangg tango. Hindi ko kasi magets yung kinukwento niya. Minsan tungkol sa Kpop, sa pagkain at kung ano pang topic ang pumasok sa isip niya.


Napansin kong may dalawang tao kaming masasalubong. Nang malapit na sila sa'min ay doon ko lang napansin na sina Joyce at Black pala yun.


"Kuya! Are you sure na hindi mo nakita si Penelope?" naiiritang tanong ni Joyce. Umiling lang si Black.


"Ang kulit. Hindi nga." naiirita ring sagot ni Black. Umiling na lang ako. Ano ba tong magkapatid na 'to.


Nagulat ako nang biglang ngumiti sa akin si Black at kumindat. Umiwas agad ako ng tingin at mabilis na naglakad. Grabe. Anong nangyari sa isang yun?

The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon