We Must Save Them (31)

300 7 9
                                    


. . .

Trigger


"Bilisan niyo naman!"


Nagmamadali kaming pumasok sa auditorium. Nang makapasok na silang apat ay sinarado ko na agad ang pinto at luminga linga sa paligid.


Bigla akong binatukan ni Gian. "Walang hiya ka. Pag nalaman ni Stephen na hindi tayo nagtago sa S.B. yari tayo." Naiinis niya na sabi sa'kin. Napakamot ako sa ulo. Tae talaga. Ako pa sinisi ng panget na to.


"Sorry naman! Kasalanan niyo rin kasi sumunod kayo sa'kin. Lakas ng charms ko e." Sagot ko sa'kanya at nag flex ng biceps. Umiling lang siya. Ayaw pang umamin na nadala ng charms ko eh.


Habang nagbibilang sina Stephen at Emmie ay tumakbo kaming lima papunta sa auditorium. Konti lang kasi yung pwedeng pagtaguan sa S.B. Ayaw ko namang mataya. Di bagay ang mukha ko dun. Amazing diba.


Si Kevin, Gian, Aris at Dan ang kasama ko. Ako lang angat sa'kanila kung mukha ang pagbabasehan. Ewan ko lang kung nasaan yung iba nagtago, baka kami nga lang siguro ang hindi nagtago sa S.B. Hayaan na. Pag nagalit si Stephen si Gian na lang yung sasabihin kong may kasalanan. Tutal siya naman yung nambatok sa'kin. Kung di niya sana ako binatukan aamin pa ko na ako yung umaya sa kanilang mag tago sa auditorium.


Ang ilaw lang sa stage ang nagbibigay ng liwanag sa buong auditorium. Dim lights lang ang nasa stage kaya medyo madilim pa rin dito. Pero nakikita pa rin naman namin ang isa't isa. Malamig rin dito sa loob kahit patay na ang mga aircon. Siguro dahil sa ulan sa labas--

"Tangina may naririnig akong naglalakad sa labas!" Pabulong na sigaw ni Kevin kaya nagtakbuhan kami at naghanap ng kanya-kanyang pagtataguan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tangina may naririnig akong naglalakad sa labas!" Pabulong na sigaw ni Kevin kaya nagtakbuhan kami at naghanap ng kanya-kanyang pagtataguan.


Sa ilalim sana ako ng stage magtatago pero masyadong obvious doon, kaya tumakbo ako papunta sa pinaka-huling row ng mga upuan at nagtago sa ilalim nito.


Kasya naman ako sa ilalim eh. Sakto lang yung katawan ko pero may abs. Oh yeah.


Gusto ko sanang tignan kung nasaan nagtago ang mga mokong na yun, kaya lang mahirap kasi nakayuko ako. Di na nga ako komportable sa posisyon ko. Lalo na't parang may nararamdaman akong matigas at mahabang bagay sa likod ko. Pero di ko alam kung ano.


Naka-fetal position ako sa ilalim ng upuan. Nakaharap nga lang sa sahig ang katawan ko. Ilang minuto pa ang lumipas. Basang basa na ako ng pawis at nakakaramdam na rin pangangawit sa batok ko. Idagdag pa yung bagay na nasa likod ko. Ano ba to, nakakabawas ng sex appeal. Shet lang.

The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon