Friends 'Till The End (16)

655 18 11
                                    


. . .

Lydia


Papunta ako ngayon sa faculty room. Sabi kasi sa'kin ni Jennie, pinapatawag ako ng teacher namin sa P.E. As always, ako naman palagi yung pinagkakatiwalaan ng mga teacher.


Pagpasok ko, nakita ko agad yung teacher namin, nakaharap sa laptop at may tinatype. Lumapit ako sa kanya. "Maam. Good afternoon. Pinapatawag niyo daw po ako?"


Saglit niya akong tinignan at nagtype ulit. "Ah. Oo. Ms. Florentino, pwede ka bang manghiram ng bola ng basketball sa mga varsity players? Kailangan kasi natin yun para sa activity natin mamaya."


Kumunot ang noo ko. Wala kaya akong kakilalang varsity player. Tumango na lang ako at lumabas na. Tatanungin ko na lang si Jennie kung may kakilala siya.


Lumabas na ako ng faculty room at saktong nakita ko sina Joyce at Penelope. Tumakbo ako papalapit sa kanila. Napansin naman ako ni Penelope.


"Si Lydia oh." Untag niya kay Joyce. Kumaway naman siya sa akin. Nagsmile lang ako.


"Penelope, may kakilala ka bang varsity player ng basketball dito sa school?"


Tinaasan niya ako ng kilay "Si Sven. Siya lang ang kakilala ko e. Tsaka kasama natin siya sa club. Nakalimutan mo na ba?" Mataray na sagot niya sa'kin. Napakamaldita talaga ng babaeng 'to.


Kinamot ko ang ulo. Oo nga pala, si Sven. Makakalimutan na talaga ako. Nagpaalam na ako sa kanila kasi hahanapin ko pa si Sven. Ilang hakbang pa lang ako at lumingon kina Penelope at Joyce na nagtatawanan pa habang naglalakad.


Kailan pa kaya sila naging close?


"Marie! Marie!" Liningon ko ang tumawag sa akin at nginitian ito.


"Hi Stephanie!" Sabay kaway ko sa'kanya. Since first year kami, Marie na talaga ang tinatawag niya sakin. Maganda daw kasi.


"Saan ka pupunta?" Nakangiting tanong niya sa'kin.


Naalala ko naman yung inutos ng teacher samin. "Hahanapin si Sven. Hihiram sana ako ng basketball e. Nakakatawa nga kasi nakalimutan kong varsity player pala siya." Natatawang sabi ko sa kanya.


Tumawa din siya. "Makakalimutin ka talaga Marie. Andun si Sven sa classroom nila. Kasama nina Kuya. Mauna na ako ha? May kukunin pa kasi ako sa faculty room." Nakangiti niyang sabi at umalis na. Tumango ako at pumunta na sa classroom nila. Ano na naman kaya ang mga kalokohan ng mga nun.


Pagdating ko sa room, nakita ko silang nag-uumpukan sa may bintana. Kumunot ang noo ko. Ano kayang tinitignan nila?


Lumapit ako at nakitingin. Hindi nila ako napansin kasi masayado silang busy. Ang ingay ingay pa ni Zedd. Pagtingin ko sa bintana, nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.

The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon