Good Night (11)

977 26 13
                                    


. . .

Chuck


Shit! Shit! Shit!


Nakalimutan kong i-set ang alarm clock ko kagabi kaya ako late na akong nagising. Wala pa naman ang parents ko dito sa bahay. Bukas pa yata sila uuwi eh. Kaya eto, nag-iisa lang ako sa bahay namin.


May practice pa naman kami ngayon. Badtrip. Nagbibigay ng punishment si Sir Bravo tuwing may na le-late. Tapos sa sobra ko pang pagmamadali nakalimutan kong i-lock ang bahay. Langya.


Sakto namang pagpasok ko sa gate ay nakasabay ko si Stephen na nagmamadali ring pumasok.


"Nasan kambal mo?" Tanong ko habang tumatakbo kaming dalawa. Nakakapanibago kasi na hindi sila magkasama ngayon.


"Bakit mo hinahanap? May gusto ka ba dun?" Sagot niya sa'kin at tinignan ako nang masama. Yung mukha niya parang papatay.


Napailing na lang ako. "Baliw! Nagtatanong lang! Over protective mo dre, iba gusto ko." Sabi ko at inunahan siya. Baliw na Stephen. Sa susunod hindi na ako magtatanong dun.


"Chin chin!" Sigaw niya at binuntutan ito ng tawa. Nilingon ko siya at tinignan nang masama. Kapag may nakarinig sa'kanya, humanda siya sa akin.


Pagdating namin sa auditorium, siyempre pinarusahan kami ni Sir Bravo. Sixty push-ups.


Ngayong araw, hiwalay na magpapractice ang girls and boys. Nasa music room sila habang nandito kami sa auditorium.


"Okay, take a break boys."


"Thank you Sir!" Sabay na sigaw naming lahat. Wooh! Ilang oras kaya kaming sayaw nang sayaw. Nakakapagod rin naman.


Nakaupo ako dito sa stage habang yung iba naman nakahiga. Ang tahimik nga eh. Ganito yung epekto ng pagod sa'min. Nagiging tahimik kami.


"Kamusta na kaya si Astrid? Tetext ko nga." Biglang sinabi ni Faustus

.

"Text ka ng text, di naman nagrereply sa'yo." Asar ni Sven sa kanya at nagtawanan kami. Totoo naman eh. Sayang lang ang load ni Faustus kakatext kay Astrid. Hindi naman siya pinapansin. 


Alam kong maganda si Astrid pero napakabrutal na babae! Mabuti pa si Chin chin. Sweet at masayahin pa.


"Kinikilig lang yon kaya hindi magawang mag-reply." Taas noo niyang sagot. Binatukan ko na lang siya.


"Tss. Yabang."


Binatukan niya rin ako. "Atleast showy ako! Ikaw nga eh, torpe pagdating kay Chin chin. Hoho-- aray!"


Sinipa ko agad si Faustus. Baliw talaga! Mabuti na lang at puro kami lalaki dito, mahirap na kung may makarinig.

The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon