Lexine (24)

781 9 2
                                    


. . .

Viola


Ilang weeks na kaming nagpapractice. Excused na nga kami sa lahat ng klase namin. Pero okay lang, atleast nakuha ko yung main character.


Pero hindi pa rin maalis ang kaba sa akin. Lalo na nang tumawag si Black sa akin after ng last auditions.



. . .

Flashback

Pagkatapos kong sabihin kay mommy ang good news, dumiretso ako agad sa kwarto at humiga. Ang sarap sa feeling! Akala ko talaga dati wala na akong chance.


Nag ring bigla ang cellphone ko. Pagtingin ko, unknown number ang nakalagay.


Bigla ako nakaramdam ng kaba. Masyado akong naging masaya kanina. Nakalimutan ko na yung sinabi niya sa'kin bago ang auditions.


Gusto kong sabihin sa lahat na siya ang pumapatay sa mga kasamahan namin. Pero natatakot ako sa mga gagawin niya kay Chin chin. Hindi ako sigurado sa mga kaya niyang gawin kaya mas nakakatakot siya.


Patuloy pa rin sa pag ring ang cellphone ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang tawag na 'to.


Pagkatapos ng unang ring ay may kasunod agad.


Kahit labag sa loob ko ay napag desisyunan kong sagutin ang tawag. Wala naman siguro mawawala kapag sinagot ko to. Sana.

Pinindot ko ang screen at dahan dahang idinampi ang cellphone sa tainga ko.

"He-hello?"

"Viola."

"Black?"

"Ako nga."

Huminga ako nang malalim.

"B-bakit ka napatawag?"

"Congrats nga pala."

"Ah salamat. Yun lang?" Kaya ba siya tumawag para lang i-congratulate ako?

"Mag-iingat ka. Yun lang Viola. Yun lang."

Imbes na matouch ako dahil sa sinabi niya ay nakaramdam ako ng kaba. Bakit niya sakin sinasabi ito?

"Anong ibig mong sabihin? Bakit ako dapat mag-ingat?" sunod sunod na mga tanong ko sa kanya.

"Maraming naghahangad ng kung anong meron ka ngayon Viola. May ibang papatay para lang mapunta sa puwesto mong yan. Tandaan mo, maraming traydor diyan. Hindi lang halata."

Magsasalita pa sana ako pero pinutol niya na ang tawag.

Hindi ako nakatulog nang gabing yun. Naguguluhan ako sa mga sinabi ni Black. Sobrang naguguluhan.

. . .


The Theater ClubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon